Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Ceasefire hindi susundin ng NPA

ANG pagpapatuloy ng usapang pangka­paya­paan sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines o CPP ay tiyak na hindi magtatagumpay dahil na rin sa inaasahang gagawing paglabag ng NPA sa nakatakdang ceasefire nito sa military o AFP.

Ang muling pagbuhay ng peace talks na nakatakdang simulan sa  Hulyo ay base sa direktiba ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Matatandaang ibinasura ni Digong ang peace talks noong Nobyembre dahil na rin sa sunod-sunod na pag-atake ng NPA sa hanay ng military, pangingikil o extortion at pagsunog sa mga ari-arian ng mga pribadong kompanya.

Matagal na nating sinasabing walang maaasahan ang pamahalaan sa pakikipag-usap sa CPP na pinamumunuan ni Jose Maria Si­son. Taktika lamang ng CPP ang peace talks at ang tanging layunin nito ay malayang makapag-organisa at higit na makonsolida ang kanilang puwersa.

Matagal nang bangkarote ang “ideology” ng komunista sa Filipinas kaya nga nakapagtataka kung bakit pinatulan pa ito ni Digong.  Sino kaya ang damuhong sumulsol kay Digong kaya muling nabuhay ang peace talks?

Ang pakikipag-usap kay Joma ng pama­hala­an ay pag-aaksaya lamang ng pera, pagod at panahon. Sa mga susunod na buwan mara­ming dahilan at palusot na gagawin itong si Joma na sa kalaunan ay magbibigay daan para tuluyang maibasura ang usapang pangka­payapaan.

Kung tutuusin, ngayon pa lamang na hindi pa man din nag-uumpisa ang pormal na peace talks, ang dami nang binibitiwang maaanghang na pahayag si Joma kabilang ang kanyang mga kampon na leftist party-list representatives.

At para na rin sa kaalaman ni Digong, hindi lang iilan ang grupo ng NPA ang hindi na sumusu­nod sa mga kautusan ni Joma. Naniniwala silang wala na sa realidad si Joma lalo ang pananaw niya sa tunay na kalagayan ng “masa” sa mga kanayunan.

Kaya nga, hindi talaga magkakaroon ng magandang resulta ang peace talks dahil na rin sa paniniwala ni Joma na tanging sa madugong rebolusyon lang magkakaroon ng kalutasan ang problema ng Filipinas.

At hindi rin nangangahulugan na kung matuloy man ang peace talks, mapapahinuha ni Digong ang mga legal front organization ng CPP sa kanilang ginagawang mga kilos-protesta. Matuloy man o hindi ang peace talks, magtutuloy-tuloy pa rin ang mga pagkilos ng leftist organizations.

Ang nakauumay na salitang kapitalismo, burukrata kapitalismo, imperyalismo at iba pang “ismo” ay maririnig mo pa rin sa mga dogmatiko at bulag na miyembro ng leftist groups.  Walang kapaguran na sumusunod sa mga utos ni Joma.

Uulitin lang natin, mali ang ginawa ni Digong na makipag-usap pa kay Joma. Matagal nang pinatatakbo ni Joma  ang digmaang bayan sa Filipinas sa pamamagitan ng “remote control” mula sa The Netherlands.

Sabi nga, naging negosyo na ni Joma ang rebolusyon. Katunayan, milyonaryo na si Joma matapos kumita ng P1.2 milyon sa pamahalaan ng Filipinas.

Kawawang mga “kasama” hang­gang ngayon ay bulag na sumusunod kay Joma.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *