Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gilas tumakas sa UE

BAHAGYANG napaganda ng Gilas Pilipinas 23 for 2023 World Cup pool ang kartada matapos ang dikit na 63-61 tagumpay sa palabang Uni­versity of the East sa pagpa­patuloy ng 12th Filoil Flying V Pre-season Premier Cup sa Filoil Flying V Centre kamakalawa ng gabi.

Naiiwan sa 11 puntos sa simula ng huling kanto, nagpa­kawala ng matinding late game uprising ang Gilas cadets na tinuldukan ng pang-selyong lay-up ng University of the Philip­pines star guard na si Juan Gomez-De Liano.

Bunsod nito, umangat sa 2-5 ang kartada ng Gilas na kagagaling sa mapait na 81-86 kabiguan sa National Uni­versity.

Ang pagkatalong iyon ang tuluyang nagtanggal sa kanila sa kontensiyon ng prestihi­yosong tournament.

Sa kabila nito, nagpakita ng buhay ang Gilas kontra sa Red Warriors gamit ang tumatalas na nilang chemistry na misyon naman nilang mapagbuti sa pagsali sa torneo higit sa titulo.

Patunay nito ang pagbalik nila sa 11 puntos na pagkaka­baon upang mapalakas ang tsansang matapos ang kompe­tisyon sa winning note.

Bumandera para sa Gilas ang dating La Salle big man na si Abu Tratter sa itinalang 13 puntos habang sumuporta rin ng 11 puntos ang Filipino sensation na si Kobe Paras.

Sa kauna-unahang pagka­ka­taon ay nakasama rin ng cadets ang Filipino high school star na si Kai Sotto na nag-ambag din ng 5 puntos sa limitadong aksiyon habang may parehong puntos ang game hero na si Gomez-De Liano.

Ang Gilas cadets na kabu­buo noong nakaraang buwan ay nasa unang bahagi ng kanilang paghahanda para sa presti­hiyosong FIBA World Cup na dito gaganapin sa 2023.

Sa kabilang banda, nauwi sa wala ang 22 puntos ni Alvin Pasaol para sa Red Warriors na nahulog sa 1-2 kartada.

May nalalabi pang laban ang Gilas upang mapaganda lalo ang kanilang kartada kontra sa Mapua University at Emilio Aguinaldo College.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Camila Osorio Alex Eala

Osorio binigo si Eala na makapasok sa semis ng Philippine Women’s Open

SA PINAGSAMANG lakas at husay, pinigil ng Colombian na si Camila Osorio, si Alex Eala …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …