Thursday , October 6 2022

Caligdong bagong football coach ng Altas

KINUHA ng University of Perpetual Help System-Dalta Altas na bagong head coach ng kanilang football team ang legend na si Chieffy Caligdong para sa papalapit na Season 94 ng National Collegiate Athletic Association.

Ito ay upang matulungan sila ng dating manlalaro ng Azkals na masikwat ang unang kampeonato sa loob ng lagpas dalawang dekada.

Nagretiro apat na taon na ang nakalilipas, si Caligdong mula sa national team na Philippine Azkals.

Kilala siya bilang malupit na football player sa kanyang mga acrobatic kicks na nagpanalo sa bansa sa ilang internasyonal na kompetisyon.

Iyon ang tangka ng Altas na makuhang inspirasyon at karanasan upang matulungan silang mawakasan na ang title drought sa football.

“We feel that a legend like Chieffy Caligdong could help us revive our football program and possibly win us an NCAA championship if not this year, but in the near future,” ani Perpetual President Dr. Antonio Tamayo.

Nag-kampeon ang Uni­versity of Perpetual Help System-Dalta Altas nang dalawang beses sa NCAA football noong 1989 at 1996 na nagsilbing huling tikim nila sa kampeonato.

Pinalitan ni Caligdong si dating coach Aaron Carlos Nebreja.

Ang Altas ang paparating na host ng NCAA Season 94.

Sa basketball ay nagpalakas din sila matapos kunin ang dating San Beda coach na si Frankie Lim.

Magbubukas ang NCAA Season 94 sa 7 Hulyo 2018 sa Mall of Asia Arena. (JBU)

About John Bryan Ulanday

Check Also

Floyd Mayweather AQ Prime 2

Floyd Mayweather walang balak mag-artista   

COOL JOE!ni Joe Barrameda LINGID sa kaalaman ng iba ay tahimik na dumating dito sa …

Floyd Mayweather AQ Prime

Docu ni Mayweather ilalabas sa AQ Prime; wala lang lovelife

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INILUSAD ng AQ Prime streaming platform bilang kanilang bagong mukha ang American …

Darwin Laylo

Para sa Biyernes
PEZA PUNONG ABALA SA RAPID CHESS TILT 

MANILA — Sa pakikipagtulungan ng JC Premiere Marikina Business Center ay magsisilbing punong abala ang …

Nicola Queen Diamante

Sa 1st Novice Swim Championship
6 MEDALYA HINAKOT NI DIAMANTE

NADOMINA ni Nicola Queen Diamante ang anim sa pitong event na nilahukan para tanghaling “most …

Al-Basher Basty Buto Chess

NM Buto naghari sa Angeles rapid chess festival

MANILA — Naitala ni National Master Al-Basher “Basty” Buto ng Cainta, Rizal ang importanteng panalo …

Leave a Reply