Thursday , June 4 2026

Esperon pinahalagahan ang code of conduct sa Philippine Rise

KUMIKILOS ang pamahalaan para magkaroon ng sariling research vessel na magsasagawa ng pananaliksik sa bahagi ng Philippine Rise para makakalap ng mahahalagang impormasyon  at datos na maaaring mapakinabangan ng bansa, punto ni national security adviser Hermogenes Esperon sa pagtalakay ng usapin sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine o South China Sea.

Ayon kay Esperon, naglaan ang administrasyong Duterte ng P2.5 bilyon para sa pagbili ng research ship na gagalugad sa karagatan, partikular sa bahagi ng Philippine Sea sa 250 kilometro ang layo sa kanluran ng hilagang baybayin ng Dinapigue sa Isabela.

Tinukoy nito ang nakitang solidified methane sa paligid ng pinakamataas o taluktok ng Benham Rise na natagpuan sa unang mga pananaliksik sa nasabing lugar.

“We still have to determine if there are marine or mineral resources that we will find but it is not remote that we can discover alternative sources of energy here like natural gases,” aniya.

Ukol naman sa usapin ng panghihimasok ng China sa binansagang Philippine Rise, sinabi ng kalihim na makakatiyak ang sambayanan na ginagawa ng gobyerno sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nararapat para masigurong ang makikinabang sa pakikipagrelasyon natin sa ibang bansa ay buong sambayanan.

“Our independent foreign policy will ensure that what we are protecting and pushing for is our national interest and not the interest of other countries. We consider all others as our friends and in doing so we will strictly follow the code of conduct drafted by the ASEAN (Association of Southeast Asian Nations),” idiniin nito.

“We also need not fear about more encroachment by the Chinese into our territory because we are having regular discussions with Beijing through economic consultative meetings and other conferences,” dagdag ng kalihim.

(Tracy Cabrera)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …