Wednesday , June 19 2024

53% Pinoys OK sa divorce (Sa ‘irreconcilably separated couples’) — SWS survey

MAYORYA ng mga Filipino ang pabor sa legalisasyon ng diborsyo sa bansa para sa mga mag-asawa, ayon sa survey na isinagawa ng social-research institution.

Umabot sa 53 porsiyento ng adult Filipino ang suportado sa divorce law para sa naghiwalay na mga mag-asawa na imposible nang magkasundo, ayon sa resulta ng Social Weather Stations  (SWS) survey na isinagawa noong 25-28 Marso, at 8-16 Disyembre 2017.

Ayon sa survey sa halos 9 months coverage, 30 porsiyento ng mga Filipino ang “strongly agree” sa divorce law, habang 23 porsiyento ang “somewhat agree.”

Habang 32 porsiyento ang “disagree” sa nasabing batas, nagtakda sa “net agreement” sa plus-21.

Ayon sa SWS rates sa net agreement hinggil sa isyu, o sa “difference between the percentages of those who agree and those who don’t,” bilang “moderately strong.”

Inilabas ang resulta ng nasabing survey nitong Biyernes makaraan isumite ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa plenary deliberations ang panukalang naglalayong gawing legal ang diborsiyo sa bansa.

Ang Filipinas ang isa sa dalawang estado sa mundo, bukod sa Vatican, na hindi pa legal ang diborsiyo. Ang annulment ay legal, ngunit ang proseso ay umaabot hanggang dalawang taon at P250,000 ang gagastusin.

 

About hataw tabloid

Check Also

blind item

Male starlet nagbanta kung walang project goodbye produ na

ni Ed de Leon INAMIN ng isang male starlet na ginawa niya ang lahat ng ipinagawa sa …

Navotas tumanggap ng 145 bagong athletic scholars

Navotas tumanggap ng 145 bagong athletic scholars

NAG-ALOK ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng scholarship sa 145 Navoteño elementary at high school …

TiboQC Federation Pride March QC Joy Belmonte

300 miyembro ng TiboQC lalahok sa Pride Month

MAHIGIT 300 miyembro ng TiboQC Federation ang inaasahang lalahok sa Pride March sa lungsod sa …

Lunod, Drown

Naligo sa ulan 
8-ANYOS TOTOY PATAY SA CREEK

WALA NANG BUHAY nang matagpuan ng mga rescuer ang katawan ng isang batang lalaki na …

dead gun police

Mangingisda patay sa pamamaril

PATAY ang isang mangingisda matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa bahagi ng karagatan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *