Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ogie diaz Meerah Khel Studio

Ogie, nawala sa Home Sweetie Home dahil kay John Lloyd

TAWA kami ng tawa kay Ogie Diaz nang maimbitahan para ipakita ang bagong Meerah Khel Studio para sa workshoppers.

Natanong kasi namin kung sino pa ang gusto niyang makatrabaho sa rami na ng artistang nakasama niya sa pelikula at teleserye.

Kaagad niyang binanggit ang pangalan ni Piolo Pascual dahil hindi pa  niya nakakasama ito.

Hirit naman ng isang katoto, ‘hindi ba’t magkasama kayo sa ‘Home Sweetie Home?’ na kaagad sinagot ni Ogie ng, “wala na ako roon.”

Ginagampanan ni Ogie ang karakter na Boss Paeng bilang boss ni John Lloyd Cruz sa Home Sweetie Home. Kasama rin sina Toni Gonzaga as Julie na asawa ni Romeo (JLC) at si Ellen Adarna bilang sekretarya sa opisina.

Birong kuwento ni Ogie,”Ito kasing John Lloyd, eh inano si Ellen (Adarna).” Dahilan kaya nawala na siya sa sitcom.

‘E di ba’t ikaw kasi nag-reto, sabi namin.

“Ang gaga-gaga ko kasi. Siyempre maski na (ireto) malalaki na sila, hindi na sila menor de edad na ma-convince ko, nasa sa kanila rin ‘yun. 

“Nagkataon lang na sinabi ko na kay John Lloyd na, “medyo ano ka na may edad ka na Lloydie ha, wala ka pang anak!  Sabi niya, ‘oo nga, eh. Gusto na nga ng mommy ko, eh, kahit walang kasal.’

“Sabay sabi ko kay Ellen, ‘e, ikaw naman ‘Day, sabi niya (Ellen), ‘ako okay lang (magka-anak) kahit walang asawa.’ Tapos sabi ko kay Lloydie, ‘o gusto mong magka-anak, o ‘yun naman pala, oh.’ Hayan, ako tuloy naapektuhan, wala na tuloy akong taping,” tumawang kuwento ni Ogie.

Dagdag pa, ”feeling ko type nila talaga ang isa’t isa, nagkatitigan na ‘yan.”

Tama rin naman.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …