Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angeline, hirap mamili kina Coco at Erik (Pareho kasing mahal)

HINIRITAN pala ni Angeline Quinto si  Coco Martin na sana ay kinuha siya para kumanta ng theme song ng Ang Panday.

Eh, gusto niyang maging singer, siya na rin ang kumanta ng theme song ng sarili niyang pelikula. Niloloko ko nga eh, sabi ko ikaw, ang successful mo na sa pagiging  artista, gusto mo na ring pasukin ang pagkanta, pati kami tatalunin mo,”  sey ni Angeline na tumatawa.

Pero sino ba ang mas mahal niya, si Coco ba o si Erik Santos?

“Oh my God! Ang hirap ng tanong. Puwede bang dalawa na lang sila?

“Pero ‘yung feelings siyempre, pareho sila,” tugon ni Angeline.

Bulalas pa niya, mas matagal niya kasing nakilala si Coco kaysa kay Erik.

Mas nakilala ko agad si Coco kaysa kay Erik. Love ko ang dalawang ‘yan,”  sambit  pa niya.

Bakit hanggang doon na  lang ang status ni Erik?

“Hindi naman natin masisi kung hanggang doon na lang talaga. Katulad ng laging sinasabi ko, maayos kami ni Erik na magkaibigan. Kung anuman ang ibinibigay ng ibang tao na kahulugan sa pagiging close namin, siguro nakikita ng tao na hanggang doon lang ang maipakikita namin talaga at ‘yun lang ang totoo,” pakli ng singer-actress.

Hindi na nanliligaw ngayon si Erik.

Hindi naman  sila nagsasawa sa isa’t isa pero na-realize nila na mas click sila bilang magkaibigan at singing partner.

“Pero wala naman pong mga basted-basted,” saad pa niya.

TALBOG
ni Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …