Friday , December 27 2024

Kaligtasan hindi dapat pabayaan sa panahon ng kalamidad

HINDI naging maganda ang Pasko ng marami nating mga kababayan sa Visayas at Mindanao dahil sa pananalasa ng bagyong Urduja at Vinta na tumama sa kanila bago pa sumapit ang Kapaskuhan.

Mas nakalulungkot ay iyong dami ng mga namatay sa kalamidad. Base sa tala ng NDRRMC, mahigit sa 200 ang nasawi mula sa Mindanao dahil sa paghagupit ng bagyong Vinta, at maraming iba pa ang patuloy na nawawala.

Laging ganito na lang yata ang sitwasyon, may mamamatay at mawawala tuwing may kalamidad.  Kung tutuusin, puwede naman itong maiwasan kung mahigpit na ipatutupad ng mga lokal na pamahalaan ang forced evacuation sa ganitong panahon. Hindi dapat sila padaig sa katigasan ng ulo ng mga tao, kung maaaring bitbitin ay bitbitin para sa kanilang kaligtasan. At siyempre kailangan ang kooperasyon ng mga mamamayan.

Dapat na ang national government ay magpataw ng parusa sa local government na makapagtatala ng malaking bilang ng mga casualty, kasi nangangahulugan na naging pabaya sila – pabaya sa pagpapaalala at pangungulit sa kanilang mga nasasakupan.

Sana sa papasok na taon, mabigyang halaga ng ating pamahalaan ang pagpapaigting ng kampanya laban sa mga kalamidad, at isa na rito ay bigyang parusa ang mga lokal na pamahalaan na magiging pabaya sa kanilang constituents base sa bilang ng mga masasawi sa anumang kalamidad.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *