Saturday , June 6 2026

Warriors, ‘di pinatawad ang Cavs (Walang Pasko-Pasko)

KAHIT Pasko ay hindi pa rin pinagbigyan ng nagdedepensang kampeon na Golden State Warriors ang karibal na Cleveland Cavaliers nang ungusan ito, 99-92 kahapon sa Christmas Game offering ng 2017-2018 National Basketball Association Season sa Oracle Arena sa Oakland, California.

Binuhat ng nagdedepensang Finals Most Valuable Player na si Kevin Durant and Warriors sa unang bahagi bago nga ipaubaya kay Klay Thompson ang hulihan sa pagkamada ng huling pitong puntos ng laro upang mabasag ang 92-tabla tungo sa panalo ng Warriors kahit wala ang isa pang pambato na si Stephen Curry.

Buhol sa 92-tabla sa huling minuto, nagpakawala si Thompson ng pitong sunod na puntos upang wakasan ang pag-asa ng Cavs na masilat ng panalo sa road game. Nagtapos siya 24 puntos mula sa apat na tres at sinahugan pa ng 7 rebounds at dalawang assists.

Sumuporta naman si Durant sa kanyang 25 puntos, 7 rebounds at 5 tapal habang may triple double si Draymond Green sa inilistang 12 puntos, 12 rebounds at 11 assists.

Samantala, nauwi naman sa wala ang 31 puntos at 18 puntos ni Kevin Love gayundin ang 20 puntos, 6 na rebounds at 6 na assists ni LeBron James.

Umangat sa 27-7 ang kartada ng Warriors habang nahulog naman sa 24-10 ang Cavaliers.



Samantala, sa iba pang resulta ng laro sa Pasko, dinaig ng Sixers ang Knicks, 105-98;

Panis ang Celtics sa Wizards, 111-103;

Iwan ang Rockets sa Thunder, 112-107

at nilamon ng Timberwolves ang Lakers, 121-104.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

PSC

PSC ginagamit ang kapangyarihan sa pangangasiwa upang tiyakin ang wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan

ANG Philippine Sports Commission (PSC), na itinatag sa bisa ng Republic Act No. 6847, ay …

Triathlon Philippines Triathlon Japan

Triathlon Philippines at Triathlon Japan, Lumagda sa Memorandum of Understanding para sa Mas Matibay na Kooperasyon

NILAGDAAN ng Triathlon Japan at Triathlon Philippines ang isang Memorandum of Understanding (MoU) noong Mayo …

Candon City AVC Womens Cup

Candon City handa na sa AVC Women’s Cup

MATAPOS patunayan ang kakayahan bilang isa sa mga pangunahing sentro ng palakasan sa bansa, nakahanda …

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …