Friday , December 27 2024
Sipat Mat Vicencio

Nasaan ang suporta kay Digong?

HINDI maikakailala na higit na malaki ang bilang ng mga anti-Duterte demonstrator na nagtungo sa Rizal Park kung ikomkompara sa rally na isinagawa ng mga pro-Duterte sa Plaza Miranda.

Halos umabot sa 8,000 ang mga demonstrador na nagtungo sa Luneta kung ihahambing ito sa 500 demonstrador na nasa Plaza Miranda.  Marami rin ang nagsasabing ang mga nagtungo sa pro-Duterte rally ay bayad at hakot, samantala ang mga anti-Duterte ay may prinsipyo at may ipinaglalaban.

Kung titingnang mabuti, masasabing unti-unting lumalakas ang “mass movement” laban sa pamahalaan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Kung dati kasi ay “mabibilang sa daliri” ang mga demonstrador na kontra kay Digong, ngayon ay kabaligtaran na ito.

Nawawala na ba ang popularidad ni Digong?

At nasaan na rin ang ipinagmamayabang nitong si Benny Antiporda, isa raw sa mga organizer at board member ng SBMA, na meron siyang 50,000 raliyista na magtutungo sa  Plaza Miranda?

Drawing!

‘Yan kasi ang napapala ng mga mahilig pumapel. Kung hindi naman kasi talagang marunong sa organizing work, manahimik na lang dahil tiyak na hindi mapapanindigan ang salitang binibitiwan.

Kaya nga, lumalabas na naungusan na ng anti-Duterte group ang kasalukuyang administrasyon sa usapin ng propaganda dahil na rin sa dami ng lumahok na raliyista sa Luneta. 

Nawala na ‘yung libo-libong supporter ni Digong.

Ang masakit pa nito, umulan lang nang bahagya, nagtakbohang pauwi ang mga demonstrador na nasa Plaza Miranda bitbit ang kinanaw na sabaw at lugaw.

Samantala, ang mga raliyista na nasa Luneta ay nagpatuloy ang programa, hindi natinag kahit mabasa sila ng malakas na buhos ng ulan.

At nasaan na rin ang mahigit 200,000 demonstrador na nagtungo at nag-vigil noon sa Luneta para tapatan ang grupo ng mga dilawan nang gunitain ang EDSA People Power Revolution?  Umabot lamang sa 1,500 ang mga anti-Duterte na lumahok noon sa People Power monument.

Nakalulungkot, dahil mukhang ang ‘kinang’ ni Digong sa taongbayan ay unti-unting naglalaho. At walang ibang dapat na sisihin dito kundi ang mga walang silbi at palpak na nakapalibot kay Digong  kaya nangyayari ito ngayon sa kanyang pamahalaan.

Halos magdadalawang taon pa lamang si Digong sa kanyang puwesto pero sa itinatakbo ng kanyang panunungkulan, mukhang mahihirapan siyang makatapos ng kanyang termino.

Sana ‘wag mangyari ang pinangangambahan ko na sa mga susunod na buwan ay magsunod-sunod pa ang mga ilulunsad na malawakang kilos-protesta hanggang tuluyang mawala sa puwesto si Digong.

SIPAT
ni Mat Vicencio



About Mat Vicencio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *