Monday , December 23 2024

Trillanes pumirma sa waiver (Bank accounts pabubuksan)

LUMAGDA na si Senador Antonio Trillanes IV sa isang “sworn waiver of secrecy of bank deposits” upang malayang siyasa-tin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang umano’y kanyang offshore deposits.

Ayon kay Trillanes, ito ay patunay na wala siyang itinatagong offshore accounts o deposito sa ibang bansa kompara kay Pangulong Rodrigo Duterte at mga miyembro ng kanyang pamilya.

Ayon kay Trillanes, isang fake news at malaking blunder ang ginawa ni Duterte dahil walang Nova Scotia Bank at Hong Kong Shanghai Bank. Dagdag ni Trillanes, dahil sa pagpirma niya sa waiver ay malayang makakukuha ng ano mang impormasyon ang AMLC sa 11 bankong inihayag ng Pangulo na mayroon siyang tagong bank deposits.

Ayon kay Trillanes, tukoy na niya kung sino ang pinanggalingan ng lahat ng impormasyon ng Pangulo, ito ay Mocha Uson Blog, kay Ramon Tulfo, at Davao Breaking News na galing din kay Ben Tesiorna, na isang corres-pondent ng CNN Philippines.

Dahil dito, inihahanda na ni Trillanes ang pagsasampa ng kasong libelo sa mga nabanggit dahil sa pekeng balita.

Bukod dito, hinamon ni Trillanes si Pangulong Duterte na lumagda rin sa isang waiver ukol sa banks accounts ng kanyang pamilya.

Ngunit inaasahan ni Trillanes na malabong gawin ito ni Duterte lalo na’t mayroong katotohanan ang kanyang mga ibinunyag na bank accounts ng pamilya Duterte.

Aminado si Trillanes na mayroon siyang bank accounts ngunit ito ay local banks lamang.

Ibinunyag ni Trillanes, mayroong higher ups PMA’ers sa likod nang tangkang demolisyon sa kanya.

Tinukoy ni Trillanes na ganito ang ugali ng kasalukuyang administrasyon, ang gibain ang isang miyembro ng oposisyong katulad niya ngunit puro kasinungalingan umano ang akusasyon.  Tumanggi si Trillanes na tukuyin kung anong class ng PMA at sino-sino ang kanyang mga itinuturo.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *