Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

The last ‘left’ unclinged from Duterte’s bough

TULUYAN nang ibinasura ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang pagtatalaga kay Department of Agrarian Reform (DAR) secretary Rafael ‘Paeng’ Mariano.

Siya ang huli at ikaapat na appointee ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, mula sa kaliwa at progresibong hanay, na ibinasura ng CA.

Kung sa kanta ng The Cascades ay “the last leaf clings to the bough” ang kay Ka Paeng Mariano — “the last ‘left’ had unclinged from Duterte’s bough.”

Unang inilaglag ng CA si Perfecto Yasay bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), kasunod nito ay si Ms. Gina Lopez sa Department of Natural Resources Energy (DENR), at kailan lang ay si Prof. Judy Taguiwalo, bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

At kahapon nga, si Ka Paeng.

Iisa ang kanilang common denominator, pare-pareho silang paborito at hinahangaan ng publiko sa kanilang katapatan at paninindigan at ayon mismo kay Pangulong Digong, dedikado at determinado sa paglilingkod sa sambayanan.

Si Ka Paeng Mariano ay dating tagapangulo ng Kilusang Magbubukid sa Pilipinas (KMP) at naging party-list representative ng Anakpawis Party-list sa mga nakaraang administrasyon.

Sa panahon ni Pangulong Digong, siya ay itinalagang kalihim ng DAR sa rekomendasyon ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison, na dati namang professor ng Pangulo.

Sa kabila ng matapang na pagharap ni Ka Paeng sa iba’t ibang kontrobersiyal na isyu na kinakaharap ng agrarian reform sa bansa, matapang niyang itinindig ang moratorium sa land conversion na gaya ni Madam Gina ay tinutulan ang open pit mining at iba pang uri ng pang-aabuso sa likas yaman ng bansa.

At mula sa nasabing paninindigan, parang unti-unti na rin nilang hinukay ang paglilibingan ng kanilang appointment — dahil maraming interes ang nasagasaan. ‘Yun nga lang interes ng malalaking politiko, mandarambong na negosyante at mga landgrabber na nagmamaskara bilang real estate developer.

Sa kasalukuyan, may natitira pang isa mula rin sa kaliwa — si National Anti-Poverty Commission (NAPC) Director Liza Maza, pero hindi kailangan pagtibayin ng CA ang kanyang appointment.

Sa naging kapalaran nina Yasay, Lopez, Taguiwalo at Mariano sa kamay ng makapangyarihang CA, ibig bang sabihin na walang magagawa si Pangulong Digong kahit bilib siya sa performance ng kanyang mga appointee?!

Mukhang ganoon na nga…

Sa isang banda, isang magandang palatandaan din ito na hindi iba-bargain ng Pangulo ang kanyang paninindigan kapalit ng probetsong iba-barter sa kanya ng CA.

Sabi nga, that’s politics!

MATINDI PA RIN
ANG KAMANDAG
NG MAG-BFF FIXERS
SA BI! (ATTN: SOJ
VITALIANO AGUIRRE)

MATAPOS daw manahimik pansamantala ang mag-BFF fixers na sina Betty Chuachowchow at Anna Senghot sa kanilang transaksiyones sa Bureau of Immigration (BI), balitang umarya na naman ngayon ang pambabraso, sa mga papeles lalo sa opisina ng kanilang bespren na hepe.

Marami raw ang naiiritang mga empleyado sa BI dahil kahit baluktot ang mga papel ay pilit itinutuwid!

King-enuh!

Hindi ba talaga kayang suhetohin ang dalawang ‘yan sa BI!?

Pati raw sa mga pinaaaprubahan sa BI Board of Commissioners ay pilit binabraso ng mag-BFF fixers para masigurado na maisasama sa agenda?!

Wattafak?!

Buti raw sana, kung marunong silang makiusap. Problema kundi bukol sa mga bossing ay kung sino-sino pang padrino ang ginagamit na pangalan.

Well, matagal na talagang problema sa Bureau ang mag-BFF na ‘yan.

Kung magkakaroon ng pagdinig sa senado o kamara dapat din imbestigahan ang dalawang ‘yan dahil ilang administrasyon na ang dumaan pero patuloy silang namamayagpag sa BI.

Tingnan natin kung umubra ‘yang puro pa-Vikings at pa-Pizza kapag naisalang kayo sa legislative hearings.

Since hindi naman napagtutuunan ng pansin ng mga Immigration commissioners ang dalawa, mas mabuti siguro kung si SOJ Vitaliano Aguirre na ang mag-utos na paimbestigahan ang mag-BFF na fixers na matagal nang namamayagpag sa Bureau!

Ano sa palagay ninyo?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *