Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Welcome incoming Customs Commissioner Isidro Lapeña

HINDI akalain ng mga taga-Bureau of Customs (BoC) na maagang lilisanin ni former Commissioner Nick Faeldon ang kanyang puwesto.

Parang kanta ni James Ingram, “I did my best, but my best wasn’t good enough…”

Sa kabila nito, hindi pa rin nagbabago ang pananaw ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na mas bilib siya kung mula sa military ang maitatalaga niyang pinuno sa isang ahensiya ng pamahalaan dahil mahusay ang kanilang disiplina.

Kaya, ang ipinalit niya kay Faeldon bilang Custom’s Commissioner ay si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Isidro Lapeña.

Kamakalawa, opisyal na isinalin ni outgoing Commissioner Nick Faeldon kay Incoming Commissioner Isidro Lapeña ang sagisag ng BoC bilang simbolikal na ritwal sa pagsasalin ng tungkulin at responsibilidad.

Kung enforcement ang pag-uusapan, wala tayong duda sa kakayahan ni Commissioner Lapeña.

Siya ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1973. Mahaba at makulay ang kanyang karera bilang decorated police officer. Hindi malilimutan rito, nang siya ay maitalaga sa Philippine National Police (PNP) bilang Director for Operations, Chief of the Directorial Staff, Davao Region Police Director, at Cotabato City Police Director, bago tuluyang magretiro.

Ganyan kabigat ang karanasan ni Commissioner Lapeña, kaya hindi dapat pagdudahan ang kanyang kakayahang mamuno.

Ang importante ay makapilil siya ng deputy commissioners, district collectors at iba pang matitino, maaayos at mahuhusay na opisyal na makatutuwang niya sa pamumuno…

At higit sa lahat ‘yung mga makatutulong sa kanya upang maabot nila ang target collections ng BoC.

Sa kanyang unang araw, agad nagbabala ang bagong Commissioner na mayroong mga tao na ginagamit ang kanyang pangalan para makapangolekta ng kuwarta sa loob ng BoC.

Pero, kuwidaw umano ang mga taong ‘yan dahil kapag nahuli niya ay agad niyang ipaaaresto.

“I heard may umiikot daw dito e (there are people roaming around) using my name. That’s why I mentioned that in my message na (that) there are people using my name to collect money,” ani Lapeña sa kanyang press briefing matapos ang BOC turnover ceremony.

Hindi pa lumalamig ang isyu ng P6.4 bilyong shabu at hanggang ngayon ay kumukulo pa sa Senado.

Saludo tayo kay Commissioner Lapeña, ang tangi nating masasabi, good luck on your new endeavours, Sir!

PNP OFFICIAL NA NAGBUNYAG
NG IREGULARIDAD SA POPE
FRANCIS VISIT’S ALLOWANCE
TINAMBANGAN SA MUNTI

Hanggang ngayon ay hindi pa batid kung ano ang ultimong motibo sa ambush kay police Chief Inspector Ernesto Eco.

At nakalulungkot na wala man lang nagdalamhati sa habay ng mga nagpapakilalang nagmamahal kuno sa demokrasya at kalayaan.

Walang nag-ingay sa pagpaslang sa nasabing pulis, siguro nalimutan na nila na si Major Eco ang pulis na nagbunyag na mayroong iregularidad sa allowance ng mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) na nag-duty nang dumalaw si Pope Francis noong Enero 2015.

Sinabi rin na itinalaga si Eco sa Mindanao pero hindi umano nag-report kaya siya ay AWOL sa serbisyo nang maganap ang pamamaslang.

Nalulungkot tayo na sa ganito nagwakas ang karera ni Major Eco sa PNP.

Matapos niyang ‘magmalasakit’ sa pondo ng PNP at sa buwis na ibinayad ng sambayanan ay ganito pa ang kanyang naging wakas.

Sana ay maigawad ang katarungan kay Major Eco at sa kanyang pamilya.

‘Yun man lang ay maitimo sa isip ng marami lalao sa isip ng mga kabataan na siya ay may kontribusyon para maibunyag ang iregularidad sa burukrasya.

Let’s keep our fingers crossed and pray that justice will prevail.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *