Saturday , February 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pangulong Duterte mabuhay ka!

You’re the best

DAPAT lang talaga na ang mga Chinese na involved sa P6.4-B shabu smuggling ay bitayin.

Kawawa naman ang mga taga-Customs, nabulaga sila sa nangyari. Talagang napakasa-kit. Ang daming nadamay sa drugs na ito. Mana-got ang dapat managot!

Kawawa ang mga idinadawit na walang kaalam-alam sa palusot na ito.

***

President Digong is great at kahit sino ka man na nasa narco-politics talagang mamamatay ka.

Tama ‘yung sinabi nya, “don’t destroy my country.”

The best si Pangulo DU30.

Sugo siya ng langit at alam natin na mapapatino niya ang bansa natin.

***

Bigyan natin ng pagkakataon ang BoC dahil hindi sila papayag makalusot sa kanila kapag droga ang laman ng kargamento.

Malaki ang takot nila sa ating presidente. Kawawa ang mga idinadawit na deputy commissioner at collector.

Ang ginawa ni Mark Taguba ay turo nang turo kahit walang kinalaman sa kaso niya.

Mahal nating mga Filipino ang bansa natin. ‘Yang Chinese smuggling syndicate ang dapat maparusahan.

Pati magandang pangalan ni Collector Jet Maronilla, deputy commissioner Teddy Raval, Col. Neil Estrella at Commissioner Nick Faeldon ay nadadamay sa kawalanghiyaan.

***

Magaling talaga ang NBI, natunton nila ang 3 cylinder na kasama sa pinaglagyan ng P6.4 bil-yong shabu.

***

Ang masakit sa isyung ito, pati anak ni Pres. Digong na si vice mayor Paolo ay idinadawit pa ni Taguba sa corruption e wala naman kinalaman sa kalakaran sa Customs.

Marami talagang namedropper sa Customs, kawawa naman si Paolo.

Ang payo lang sa mga taga-Customs na na-ging biktima sa pagtuturo ni Taguba ay be strong…

God loves you.

Mantakin ninyo droga ang hinahanap biglang iba na ang naging topic. Malinaw na walang ebidensiya si Taguba sa mga itinuturo niyang tumatanggap.

Kaya naniniwala tayo na walang kinalaman si Paolo dito.

***

Abala pa rin ngayon ang NBI, sa pamumuno ni Director Gierran dahil sa dami ng high profile cases na hawak nila at kampanya laban sa sindikato ng droga.

Ito lang ang masasabi ko kay director Gierran at pangulong Duterte…

The best kayo at mabuhay kayo!

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Sotto, Ping, ‘bastonero’ ng Palasyo sa impeachment ni Sara

SIPATni Mat Vicencio NGAYON pa lang, marami ang nagsasabing ‘guilty verdict’ ang inaaasahang resulta ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

KyumterPH, boses ng konsyumer at komyuter

AKSYON AGADni Almar Danguilan KyumterPH. Sino ba ang grupong ito? Ano ba ang kanilang layunin? …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang Pag-IBIG at ang P6-B pamumuhunan

PADAYONni Teddy Brul ISANG kolum ng pagsusuri at pananagutan Ayon sa mga ulat at impormasyong …

Firing Line Robert Roque

OA sa Senado

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NITONG nakaraang weekend, paulit-ulit na lumilitaw sa aking social …

Dragon Lady Amor Virata

Diskuwento ng Senior Citizens sa Cavite City bakit bakit 5% lang?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HETO po ang nakababahalang tanong at reklamo ng mga …