Monday , December 23 2024

MPD police binistay sa 25 bala (Suspek sa pinatay na lady cop)

MGA PIPING SAKSI. Tanging ang mga ipinintang mukha sa pader ng Technological University of the Philippines (TUP) sa Ayala, Blvd., malapit sa kanto ng San Marcelino St., Ermita, Maynila ang maituturing na saksi sa pagbistay ng 25 bala ng limang lalaking sakay ng tatlong motorsiklo sa pulis na si PO2 Mark Anthony Peniano, 34, taga-Pacheco St., Tondo, Maynila, na nakatalaga sa PCP Alvarez, Sta. Cruz, Maynila, sakop ng (MPD) Manila Police District Sta. Cruz Station (PS3). Ihahatid ni Peniano ang kanyang anak sa Emilio Aguinaldo College (EAC) kahapon nang umaga nang tambangan ng limang suspek. Itinuturing si Peniano na primary suspect sa pagpaslang kay P01 Jorsan Marie Alafriz (inset), ang pulis na may simbuyo na labanan ang ilegal na droga sa kanilang nasasakupan, nitong nakaraang 19 Marso 2017 sa Quiapo, Maynila. (BONG SON)

PATAY ang isang pulis na maghahatid ng anak sa paaralan makaraang bistayin sa bala ng mga nakamotorsiklong kalalakihan sa Ayala Boulevard, Ermita, Maynila nitong Martes.

Batay sa kuha ng CCTV malapit sa Technological University of the Philippines (TUP), sakay ng tatlong motorsiklo ang mga suspek nang pagbabarilin nila si PO3 Mark Anthony Peniano na angkas ang kanyang anak, pasado 8:00 am.

“Mabilis po masyado. Natumba na lang iyong motor namin ng daddy ko,” kuwento ng anak ng 34-anyos pulis.

Dagdag ng isang saksi, “Nakita ko may pumutok, tumalsik iyung pulis tapos bumaba ang gunman. Pinaputukan pa siya, mga 6 (na beses) siguro iyon.”

Kung pagbabatayan ang 25 basyo ng bala na nakuha ng mga imbestigador sa insidente, masasabing binistay ng bala ang biktima.

Agad binawian ng buhay ang pulis na naka-uniporme.

Hindi nasaktan ang anak ngunit tinamaan ng bala sa hita ang isang lalaking estudyante ng TUP.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo ng pagpaslang sa pulis na nakatalaga sa Sta. Cruz Station (PS3) ng Manila Police District.

ERAP NAG-UTOS
NG IMBESTIGASYON

PINAIIMBESTIGAHAN ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang pagpaslang sa isang pulis-Maynila na ayon mismo sa Manila Police District (MPD) ay pangunahing suspek sa pagpatay sa isang babaeng pulis at sangkot umano sa droga.

Matapos mabalitaan ang pananambang kay PO2 Mark Anthony Peniano, agad tinawagan ni Estrada si MPD director Chief Supt. Joel Coronel upang paimbestigahan mabuti ang kaso at malaman kung sino-sino ang nasa likod ng malagim na pagpaslang.

“Whatever the motives and circumstances, we owe it to the policeman’s family to investigate the case,” pahayag ng alkalde. “I have tasked our city police force to leave no stones unturned to ensure that justice is served.”

Aniya, hindi niya pinapayagan ang extrajudicial killings ng mga pulis na sangkot sa droga at iba pang ilegal na gawain; sinabihan niya si Coronel na bantayan ang mga miyembro ng MPD na kasalukuyang iniimbestigahan sa iba’t ibang kaso.

Huling naitalaga si Peniano sa MPD Headquarters Support Unit sa UN Avenue habang humaharap sa imbestigasyon, ayon kay Coronel.

Ani Coronel, si Peniano ang primary suspect sa pagpaslang kay P01 Jorsan Marie Alafriz nitong Marso 19 sa Quiapo.

Kilalang anti-drug advocate noon ang babaeng pulis.

“Also, he (Peniano) is involved in illegal drug activities and is listed as HVT (High Value Target) in Manila,” ani Coronel.

Patuloy aniyang iniimbestigahan ang naganap na pagpaslang.

Naganap ang insidente sa kahabaan ng Ayala Boulevard malapit sa kanto ng San Marcelino St., malapit sa Technological University of the Philippines (TUP).

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *