BONGGA talaga si Daniel Padilla dahil ipinagtanggol niya ang isang fan sa isang malditong barangay tanod habang nagti-taping ng kanyang serye.
“Oo nga bakit mo minumura ‘yung bata? Bastos din kasi ‘yang bunganga mo,” paninita ni DJ.
Super puri ang fans kay Daniel dahil may idolo sila na kaya silang ipagtanggol at protektahan ‘pag nakikitang inaapi at minumura.
Hindi sila nagkamali ng artistang hinangaan.
Maganda ang pagpapalaki ni Karla Estrada sa anak niya dahil kahit super sikat na si Daniel, ma-PR pa rin ito, mapagkumbaba at marunong makisama kahit ano pa ang status sa huhay.
Kahit security niya ay pinagsasabihan sa event nila ‘pag nakikita niyang may faney na nasasaktan.
Havey!
TALBOG – Roldan Castro