Thursday , May 2 2024

Alok na backchannel talks sa Maute tinabla ni Digong

TINANGGIHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok na backchannel talks ng Maute terrorist group, ayon sa Palasyo.

Sa press briefing kahapon sa Palasyo, kinompirma ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang ina ng  Maute brothers na si Farhana Romato Maute, ang nag-alok ng backchannel talks sa Pangulo, taliwas sa inihayag ni Agakhan Sharief, isang prominent Muslim leader, na isang senior Duterte aide ang lumapit sa kanya para kausapin ang mga Maute.

“Sila [Maute] ang nag-o-offer na makipag-backchannel. Hindi siya (Duterte). Tinanggihan niya iyon. Kung tinatanong n’yo kung nag-initiate siya, as far as I know, wala akong alam na verifiable,” wika ni Abella.

Si Farhana ay isa sa mga inarestong personalidad na may kaugnayan sa Maute /ISIS terror group alinsunod sa inilabas na arrest order ni Defense Secretary at martial law administrator Delfin Lorenzana.

Sa kanyang talumpati noong 31 Mayo, binigyan-diin ni Duterte, hindi siya kailanman makikipag-usap sa mga terorista.

Ipinangako ng Pangulo na hindi niya aalisin ang martial law hangga’t hindi namamatay ang kahuli-huling terorista sa Marawi City.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Navotas

Navotas magpapatupad ng bagong oras sa trabaho

MAGPAPATUPAD ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng bagong iskedyul ng oras sa trabaho simula 2 …

gun shot

Nurse, 1 pa todas
SENGLOT NA SEKYU SUMEMPLANG 2 TUMULONG PINAGBABARIL

ISANG nurse at isang pang lalaki ang namatay sa pamamaril ng lasing na rider, nang …

road accident

7-anyos, nanay, 1 pa patay, 17 sugatan sa bus na nawalan ng preno

PATAY ang tatlo katao kabilang ang isang 7-anyos na batang babae, ang kanyang nanay, at …

Las Piñas KALINISAN Bagong Pilipinas clean-up drive

Las Piñas nagsagawa ng KALINISAN sa Bagong Pilipinas clean-up drive

INILUNSAD ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at pamahalaang lungsod ng Las …

050124 Hataw Frontpage

Naririnig ko lang na may perks… pero hindi itong MLM scheme – DOH chief
BELL KENZ TUMANGGING SANGKOT SA MULTI-LEVEL MARKETING

ni Niño Aclan ITINANGGI ng kompanyang Bell Kenz Pharmaceutical, Inc., ang akusasyon na sangkot sila …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *