NAGPAHAYAG ng kasiyahan si Jake Vargas nang makarating sa kanya ang sinabi ni Janice de Belen, ina ng girlfriend niyang si Inah na boto sa kanya.
“Ang sarap ng feeling, kasi kahit paano, tanggap din po ako ng mother niya. Para sa akin, malaking pagkakataon ‘yun,” sabi ni Jake.
May ilang beses na nilang nakakasama ni Inah si Janice. Kamakailan nga ay kasama si Jake sa bakasyon ng pamilya ni Inah sa Boracay.
(Rommel Placente)