Monday , December 23 2024

Iskuwater dumami sa endo

ENDO o wakasan ang kontraktuwalisasyon  ang panawagan ng grupong NAFLU at iba pang labor groups na nagmartsa sa iba’t ibang lugar sa bansa habang ang iba ay nagpahayag ng kanilang pagtutol sa pamamagitan ng pagsunog sa mga effigy na inilarawan nila sa mga nagpapahirap sa manggagawang Filipino sa paggunita ng Araw ng Paggawa kahapon. (Kuha nina BONG SON at ROMULO BALANQUIT)
ENDO o wakasan ang kontraktuwalisasyon ang panawagan ng grupong NAFLU at iba pang labor groups na nagmartsa sa iba’t ibang lugar sa bansa habang ang iba ay nagpahayag ng kanilang pagtutol sa pamamagitan ng pagsunog sa mga effigy na inilarawan nila sa mga nagpapahirap sa manggagawang Filipino sa paggunita ng Araw ng Paggawa kahapon. (Kuha nina BONG SON at ROMULO BALANQUIT)

LUMOBO ang bilang ng mga maralitang lungsod dahil binansot ng kontraktuwalisasyon ang kita ng milyon-milyong manggagawa sa buong bansa.

“Contractualization has stunted the salaries of millions of workers around the country. With rising prices of basic commodities, they have no hope of economic relief for as long as endo practices continue to remain in place,” anang Labor Day Message ni Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chairman Terry Ridon kahapon.

Giit ni Ridon, umiiral pa rin ang kontraktuwali-sasyon bilang patakaran ng mga negosyante at ang bagong anti-contractualization policy ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay naging limitado lang sa mga batas na nagpapahintulot ng Endo (end of contract)

Ang kakarampot na sahod ng mga obrero ang nagtutulak sa milyon-milyong endo workers na maging iskuwater dahil hindi nila kayang magba-yad ng upa sa maayos na tirahan.

Gumagapang din aniya sa hirap ang Endo workers para matustusan ang pag-aaral ng mga anak at magpagamot kapag nagkasakit.

Hirit ni Ridon, serti-pikahan bilang urgent ng Palasyo ang isang batas na magbabawal sa endo bilang paraan ng em-pleyo.

Kaugnay nito, magpapalabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang executive order na magpapatupad ng istriktong implementasyon ng endo.

Sa talumpati ng Pangulo sa Araw ng Paggawa ngayong araw sa Peoples Park sa Davao City, sinabi niya na kukuha siya ng karagdagang labor inspector para magbantay sa iba’t ibang kompanya sa bansa.

Nakiusap din ang pangulo sa labor union na magsagawa ng pag-iinspeksiyon sa mga establis-yemento.

Apela ng pangulo sa labor unions, magbigay ng tamang report dahil kapag in-adopt niya ang report at napahiya lamang siya, tiyak na magkakaroon ng problema ang working relationship ng pamahalaan at ng labor group.

Nanindigan ang pa-ngulo na pursigido siyang tuldukan ang endo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *