Thursday , June 4 2026
the who

Congressman na pilipit ang dila

THE WHO si party-list congressman na dahil yata sa pagiging tanders o matanda na ay umurong na ang dila sa katagalan.

Ngak ngak ngak ngak ngak!

Ayon sa ating Hunyango na ubod nang daldal habang nasa sasakyan, usap-usapan na raw sa Kamara si congressman dahil sa pagiging bulol.

Anak ng bulol ‘yan oo!

Itong si Sir, bukod sa pagiging bulol daw ay napaka-kulang sa pansin as in KSP, dahil panay ang punta sa Media Center ng House of Representatives (HOR) para magbibida.

Kaya naman, lagi rin bumabanat sa plenary, ang kaso napapansin na nga ang pagiging pilipit ng kanyang dila kaya tawa much ang mga taong nakikinig sa sesyon ng Kamara.

Akalain ninyo, kapag nasa plenaryo si Cong at tinatawag ang attention ng Speaker hindi niya ito mabigkas nang diretso dahil sa halip na Mr. Speaker ang mabigkas ay nagiging Mr. Peaker!

Nyahahahahahahaha!

Hindi kaya apple picker ang gustong sabihin ni Sir?

At hindi lang miminsan niya itong nasasabi kundi kada magsasalita siya sa plenaryo!

Pambihirang buhay ito!

Kaya tayo nagkakagulo dahil ‘di tayo nagkakaintindihan. May panay-panay ang English tapos masasamahan pa ng bulol!

Bwar har har har har har!

Kilalanin kung sino si congressman na dapat “Buhayin ang Dila!”

Toink!

THE WHO? Scandal – ni Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …