Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Droga sa banta ng Maute group vs Gen. Bato (Balik war on drugs ng PNP mas madugo)

KOMBINSIDO si Philippine National Police Director General Ronald dela Rosa, may kinalaman sa droga ang panibagong banta ng Maute group sa kanyang buhay.

Naniniwala si Dela Rosa, droga at posibleng drug money ang nag-ud-yok sa Maute group, na pagtangkaan ang kanyang buhay habang nasa Mindanao State University noong Enero.

“Bakit? Ano ang personal na galit nila sa akin, except for my job. Hindi ko naman sila kilala personally. Hindi ko naman sila karibal sa babae. Hindi ko naman sila naging karibal sa business, kung ‘di naging Chief PNP ako na leading the war on drugs,” ani Dela Rosa.

Matatandaan noong 30 Enero, dalawang homemade bombs ang narekober ng mga awtoridad sa loob ng compound ng Mindanao State University (MSU).

BALIK WAR ON DRUGS
NG PNP MAS MADUGO

POSIBLENG maging madugo muli ang giyera kontra droga sa muling pagpasok ng Philippine National Police (PNP), ayon kay PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa.

Sinabi ng heneral, hindi niya maipangangako na wala nang dadanak na dugo sa ‘war on drugs’ at iginiit na nakadepende  kung lalaban ang hinuhu-ling drug suspects, at kung malalagay sa peligro ang buhay ng mga awtoridad na humahabol sa mga suspek.

Ayon kay Bato, walang pulis na gustong maging madugo ang kanilang mga operasyon, ngunit hindi ito maiiwasan lalo’t giyera ang idineklara ng gobyerno laban sa droga, at may mga pahayag ang ilang drug lords, na hindi nila isusuko ang bilyong pisong negosyo nila sa bawal na gamot.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …