Thursday , June 4 2026

DPWH district engr sobrang siba sa kitaan

THE WHO si Department of Public Works and Highways (DPWH) assistant district engineer sa isa sa dalawang district ng Rizal ang dinaig pa yata si Satanas sa kasuwapangan dahil hindi ubra sa kanya ang pakurot-kurot lang na takits.

How how how how the carabao!

Tinalo pa talaga si Satanas, ha?!

Ayon sa ating Hunyango, dala-dala raw lagi ni Sir ang krus mapa-opisina man o kahit saan man samantala sukang-suka na ang mga contractor na nakikipagtransaksiyon sa kanya dahil ang gusto niyang kita ay hindi porsiyentohan kundi isang buo!

Tinamaan ka ng kidlat engineer!

Ang style raw nitong si Kumag ay kokontratahin na niya ang contractor na kanyang target kotongan at saka io-offer agad ang tatlong proyekto pero sa kanya ‘yong isang proyekto bilang kanyang kita.

Wahahahahahahahaha!

Kadupang mo naman Sir!

Napag-alaman pa natin na kaya raw ganoon kalakas ang loob makipag-deal ni Assitant D.E., ‘e  dahil kakutsaba raw niya ang kanyang District Engineer na isa rin bogak!

At kaya pala magkakontsaba ang dalawang opisyal ay sa dahilang classmates sila sa sabungan at dumarayo pa sa lalawigan ng Tarlac para hindi mabulgar ang limpak-limpak na salaping kanilang winawaldas.

Tiktilaok!

Sa pula sa puti!

Harharharharharhargar!

Kaya  naman  no wonder kung bakit ilang panahon lang ay uka-uka na ang mga kalsadang nasasakupan ni Sir kasi tinaba-ngan ng mga contractor ang timpla ng semento at aspalto dahil tinitipid nila ang budget para kumita.

Hooooooooooooooooo!

Hanep! Pahirap ka sa bayan!

DPWH Secretary Mark Villar, pakisemento mo nga o aspalatohin ang mukha nitong si Assitant District Engineer isama mo na rin si District Engineer!

Hakhakhakhakhak!

Kilalalanin kung sino si Assitant District Engineer na may dalang Krus!

Diyan na kayo!

THE WHO? SCANDALni Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …