Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kamot ulo si Joma

KUNG inaakala ng mga rebeldeng komunista na matatakot nila si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, nagkakamali sila. Sa halip kasing yumukod sa mga kapritso ni Jose Maria Sison, pinuno ng Communist Party of the Philippines (CPP), ginulantang na lamang sila nang magdesisyon si Duterte na itigil na ang peace talks.

Nitong nakaraang Pebrero 1, buong yabang na idineklara ng NPA na ibinabasura na nila ang unilateral ceasefire na kanilang idineklara sa dahilang maraming paglabag umano ang Armed Forces of the Philippines kabilang ang hindi pagpapalaya sa mga political prisoners na umaabot sa 400 ang bilang.

Pero sa halip na pasindak si Duterte sa mga pananakot ng NPA, tinugon kaagad ito ng pangulo sa pagbasura ng sariling ceasefire ng pamahalaan, at ang nakagugulat ay sinundan kaagad nang panawagang itigil na mismo ang usapang pangkapayapaan.

Kamot ulo si Joma!

Hindi niya inaakala na buong tapang silang sasagutin ni Duterte. Hindi na naisip ni Joma na hindi maaaring pagbigyan ang kanilang kahilingan na palayain ang mga political prisoners dahil may mga kasong criminal na kinakaharap sa korte.

Sa simula pa lang, hindi na dapat pinatulan ni Duterte itong si Joma. Naghihingalong organisasyon ang CPP at matagal nang bangkarote ang kanilang ideolohiya. Pawang mga lolo na ang mga negosyador ng mga komunista, kulang na lang maglagay ng diaper itong si Joma at itong si Luis Jalandoni.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …