MAY bagong grupong tiyak mamahalin ng mga Pinoy na mahilig sa boyband, sila ang grupong Bigband na sikat na sa social media.
Ang grupo ay binubuo nina Mateo Hipe, 16, ang matinee idol at leader ng grupo; JS Enriquez, Jewel Cordova, ang heartthrob ng grupo; Jeka Duran, ang hunk vicalist; at Prince Panlilio, 14, ang guwapito Tsinito.
Malaki ang impluwensiya ng sikat na Korean boyband na Big Bang sa grupong Big Band pagdating sa choices of songs at maging sa paghataw sa dance floor.
Katulad ng Big Bang, gusto ring sumikat ng Big Band ‘di lang sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Dream din nila ang magkaroon ng hit songs at sold out concert in the near future.
MATABIL – John Fontanilla