AYON kay Angeline Quinto. naging espesyal sila sa isa’t isa ni Erik Santos pero hindi raw umabot sa punto na nauwi ‘yun sa isang relasyon.
Aniya, siya raw kasi ang umayaw. Ang gusto raw kasi ni Erik kung sakaling magiging sila na ay magpakasal na. Hindi pa raw kasi siya handa na lumagay sa tahimik.
‘Pag natapos na raw niyang bayaran ang bahay na binili niya na tatlong taon pa mula ngayon, doon pa lang niya maiisip na mag-asawa na.
MA at PA – Rommel Placente