IGINIIT ni Matteo Guidicelli na walang katotohanang nagselos ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo sa lovescene nila ni Alex Godines.
Ang tinutukoy na lovescene ay mula sa pelikulang Across The Crescent Moon.
Kahit alam daw ng Pop Princess na ex niya si Alex ay hindi raw ‘yun naging dahilan para pagselosan. Naiintindihan naman ni Sarah na trabaho lang ang ginawa niya.
Si Alex ay puppy love ni Matteo. Nagkaroon sila ng relasyon 10 years ago. At kahit naghiwalay na sila, nanatili silang magkaibigan. Kaya nga nang dumating ang offer sa kanila para magsama at magtambal ay tinanggap nila.
MA at PA – Rommel Placente