Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pangalan ng politico huwag nang ipangalan sa gov’t estbalishments

MAYROON daw petisyon na humihiling na ibalik sa dating pangalan na Manila International Airport (MIA) ang pangalan ng pangunahing paliparan sa bansa na ngayon ay kilalang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay inihayag ng aktres na si Vivian Velez sa kanyang social media account at sila umano ang nagpasimuno sa petisyong ito.

Inumpisahan umano ito ng isang Atty. Lorenzo G. Gadon at ng mga miyembro ng #BringBackMia group.

Kung matatandaan, pinalitan ang pangalan ng MIA noong 1987, panahon ng pamumuno ni dating Pangulong Corazon C. Aquino.

Ito umano ay bilang paggunita sa pagpaslang sa kanyang esposong si Benigno S. Aquino Jr., sa tarmac.

Itinuturing din noon na si Ninoy ay mukha ng demokrasya laban sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

By the way, alam ba ninyo mga suki na kapag pinapalitan ang pangalan ng isang national road o isang national building or establishment ay kailangan itong pagpasyahan ng Kongreso?!

070316 miaa naia

Ang gastos po sa ganitong proseso ay maaaring kasing presyo rin kapag nagpapasa ng isang batas ang mga mambabatas.

Hindi lang po daang libo ang pinag-uusapan dito kundi milyon-milyon.

At ang ginastos po riyan ay mula sa taxpayer’s money.

Paano na lang kung tuwing nagbabago ang administrasyon at hindi sila ‘magkalasa’ ng sinundang administrasyon ‘e nanaising baguhin ang pangalan ng isang gov’t establishment  na ipinangalan sa isang politiko?!

‘E ‘di siyempre, gastos nang gastos nang walang kapararakan ang Kongreso.

Mas makabubuti siguro, kung sakaling tatalakayin ng Kongreso ang petisyon na ibalik sa Manila International Airport ang pangalan ng ating mga airport, ‘e dagdagan ng panukala ipagbawal na ang pagpapangalan ng mga pambansang kalsada, pambansang gusali at pambansang establisyemento sa mga politiko.

Nang sa gayon ay matigil na ang pagpapalit-palit at pagpapaiba-iba ng pangalan ng mga kalye, gusali at establisiyemento na ang ginagastos naman ay pera ng bayan.

Bakit hindi bigyan ng pangalan, base sa katangian o kasaysayan ng lugar, kalye, o establisyemento.

Sa ganitong paraan, magkakaroon din ng kamalayan sa kasaysayan ang mga mamamayan lalo ang mga kabataan.

Puwede rin gamitin ang ating sariling wika para sa pagpapangalan gaya sa tanyag na UP Teacher’s Village sa Diliman, Quezon City na ang pangalan ng mga kalye ay mga kabutihan na puwedeng taglayin ng isang tao.

Bakit hindi pangalan ng mga bayani na hindi kayang tumbasan ang ginawang kabayanihan pero hindi kilala ng maraming Filipino?!

Mga manunulat, makata at iba pang alagad ng sining na nagbigay ng karangalan sa bansa?

Sa Sampaloc, Maynila, ang pangalan ng mga kalye riyan ay mga tauhan sa nobelang El Filibusterismo at at Noli Me Tangere ni Gat Jose Rizal.

Pangalan ng mga siyentipikong Filipino na ni hindi kilala ng ating mga kabataan.

Maraming mga Filipino ang kinilala sa buong mundo, sana kung gagamit ng pangalan ng tao sa pagpapangalan ng kalye, gusali at establisyemento, piliin ang pangalan ng mga Filipino na hindi puwedeng pagdudahan ang kredebilidad at ang nagawa para sa bayan.

Huwag nang pangalan ng mga politiko.

Gayahin sana ng mga mambabatas na Filipino si Fidel Castro ng Cuba, na siya mismo ay nagbawal na gamitin ang kanyang pangalan sa kalsada, gusali o mga establisyemento sa kanilang bansa. Sa inyong palagay, mayroon bang politiko sa ating bansa na kayang gawin ang ginawa ni Fidel Castro?!

‘E ‘yung iba ngang politiko kahit wala namang nagawa o ginagawa, gusto laging nakabalandra ang pangalan nila sa radio, diyaryo at telebisyon.

Ang lalakas nang gumastos ng pera ng bayan, gusto sikat pa at ‘sambahin’ ng mga susunod na henerasyon?

Mahiya kayo, oy!

MISS UNIVERSE KTV CLUB
HAPPY NA NAMAN
SA KANILANG OPERATIONS

Masigla na naman ang operation ng Miss Universe KTV club sa F.B. Harrison Ave., malapit diyan sa kanto ng Libertad St., sa Pasay City.

Kung hindi tayo nagkakamali, yan ‘yung KTV na ipinasara ni dating Vice President Jejomar Binay dahil nahulihan ng mga menor de edad nang salakayin ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at National Bureau of Immigration (NBI).

Hindi natin alam kung co-incidence lang na dahil wala na sa power si VP Binay, ‘e hayun at ratsada na naman sa pag-arangkada ang Miss Universe.

Mayroon nang “all the way” sa stage sa lobby ng KTV club, mayroon pang VIP rooms na iba’t ibang milagro ang nagaganap sa loob.

Ganyan umalagwa ang Miss Universe, ngayon.

Mukhang hindi pansin ng Philippine National Police (PNP) ang mga KTV club ngayon dahil busy sila sa operation Tokhang at Tokbang.

Kaya nga sinasamantala ng mga KTV bar/clubs ang pamamayagpag.

“All the way na pamamayagpag!”

Paging PNP!

SINO ANG KARAPATDAPAT
MAGING MPD-DID CHIEF?

070316 MPD

Ngayong nalalapit na ang nakatakdang pagbaba sa puwesto ng magaling at matikas na hepe ng MPD-District Intel Division (DID) kaya’t maugong na naman ang balitaktakan sa MPD HQ kung sino ang opisyal ang susunod na D-2 chief.

Base sa mga nakausap nating beteranong pulis-MPD, napakalaking responsibilidad ang maging D2 o hepe ng DID dahil dito nakasalalay ang seguridad at kaayusan sa lungsod ng Maynila.

Kaya kailangan na suriin at piliin mabuti ang hahawak sa position na ito sa MPD.

Malakas ang panawagan ng MPD rank & file personnel na sana raw hindi from the outside at sa halip ay senior official ng MPD ang ilagay sa puwestong ito.

Kapado at well experienced na rin sa kalakaran sa Kamaynilaan.

May katwiran rin naman ‘di ba?

Ilang pangalan ang lumutang na kuwalipikado bilang MPD Intel Chief gaya nina Kernel Ulsano at Kernel Barot na subok na pagdating sa trabaho.

MPD district director Gen. Jigz Coronel, nasa iyong mga kamay ang pipiliin mong makatutulong sa iyong programa at administrasyon sa MPD.

Sana’y mapili mo ang tunay na karapat-dapat na susunod na DID Chief!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *