Thursday , June 4 2026

Nahihibang si Erap

NITONG nakalipas na piyesta ng Pandacan, Linggo, sinabi ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na ang patuloy na biyayang natatanggap ng lungsod, lalo ng mga mamamayan nito, ay dahil sa mga himala ng Sto. Niño.

Walang kagatol-gatol na ipinagmayabang ni Erap na dahil daw sa patnubay ng Sto. Niño kaya tuluyang nagkaisa ang mga mamamayan at siyang dahilan para magtulungan ang bawat isa para  iangat ang kabuhayan ng mahihirap sa lungsod.

Teka, hindi ba nahihibang itong si Erap?  Hindi na dapat gamitin pa ni Erap ang Sto. Niño dahil unang-una ay walang naniniwala sa kanya na may biyayang natatangap ang mahihirap sa lungsod ng Maynila.

Patuloy na dumarami ang bilang ng mga pulubi, at makikita ito na naghambalang sa Liwasang Bonifacio, Post Office at mismong sa paligid ng City Hall ng Maynila.  Hindi rin mitatanggi na simula nang maupo si Erap bilang mayor ng lungsod, ang problema sa droga at ilegal na sugal ay lalong lumala.

Malamang na lumuluha ang Sto. Niño hindi dahil sa patuloy na kahirapan ng maliliit na mamamayan ng Maynila kundi sa patuloy na kasinungalingan ng matandang huklubang si Erap.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …