Thursday , June 4 2026

May himala!

MULI, ipinakita ng mahigit isang milyong debotong Katoliko ang kanilang nagkakaisang paniniwala sa Mahal na Poon Nazareno. Kahapon, ang nagkakakisang paniniwalang ito ay muling isinabuhay ng mga deboto nang magsama-sama sila sa prusisyon na hindi alintana ang hirap na susuungin.

Ano man ang paniniwalang ito, hindi mapapasubalian ang pananampalataya ng mga deboto sa kapangyarihan ng Itim na Nazareno, na siyang nagkaloob sa kanila ng mga pangangaila-ngan sa buhay.

Simula sa sakit, pinansiyal na problema, pagkagumon sa alak, droga at iba pang bisyo, at pagpapatibay sa pagmamahalan ng kanilang pamilya, himalang tinatawag ng mga deboto ang ipinagkaloob sa kanila ng Itim na Nazareno.

Walang siyensiya ang maaaring tumibag sa konkretong naipagkaloob sa kanila ng mahal na Poon. Hindi na kailangan pa ang mga paliwanang nang may pinag-aralan para pasubalian ang mirakulong ipinagkaloob sa kanila ng Nazareno.

Nagkakaisa ang tinig ng mga deboto… may himala! Ipinagkaloob ng Itim na Nazareno ang kanilang mga  kahilingan! Oo, tama, nasa puso ang himala, at ang katubusan ay nasa mahigpit na paniniwala at pananampalataya ng lahat… Amen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …