Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Umuwi ka na Leni

SI Vice President Leni Robredo, tubong Camarines Sur, ay natiis na lisanin ang kanyang mga kababayan sa Bicol gayong alam naman niyang papalapit na ang malakas na bagyong Nina, na ang tutumbukin ay walang iba kundi ang mga kababayan niyang Bicolano.

Dahil sa family reunion sa US, nagawang ipagpalit ni Leni ang mga Bicolano na binayo nang malakas na bagyo.

Malaki ang pinsala ni “Nina” sa Kabikulan. Bukod sa mga pagbaha at pagkawala ng koryente, ang bagyong si Nina ay sumira rin ng maraming kabahayan at kabuhayan.

Sa kabila ng tulong na ipinaabot ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, nangangailangan pa rin ng tulong ang mga Bikolano lalo ng inuming tubig, pagkain, damit, at gamit para maitayo ang kanilang mga nasirang bahay.

Sa datos ng Department of Agriculture, umaabot na sa P400 milyon ang nasirang pananim sa mga bukirin dulot ng bagyo.

Kailangan si Leni ng kanyang mga kababayan sa Bicol. Pero malayo si Leni. Si Leni ay nagsasaya sa US kapiling ang kanyang mga anak, mga kamag-anak at mga kaibigan. Sa kanilang reunion, tiyak ang nakabibinging tawanan at kuwentohan ang maririnig sa kanilang salo-salo.

Sabi nga sa awitin ng Orange and Lemons… “Hanggang kailan ako maghihintay na makasama ka muli/ Sa buhay kong puno nang paghihirap/ At tanging ikaw lang ang pumapawi sa mga luha/ At naglalagay ng ngiti sa mga labi…Umuwi ka na baby, Umuwi ka na baby… Umuwi ka na baby…

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …