Tuesday , February 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

VP Leni Robredo nangayaw pamunuan ang oposisyon

MISMONG si Vice President Leni Robredo ay umamin na hindi niya kayang pamunuan ang isang disorganisado at watak-watak na oposisyon gaya ng Liberal Party (LP).

Araykupo!

Sabi nga niya, ang LP na namuno sa loob ng anim na taong termino ni PNoy ay agad na kinalambre nang makita nilang inabot ng 16 milyon ang nakuhang boto ni Pangulong Duterte.

Inilampaso ang kanilang standard bearer na si Mar Roxas.

Kaya imbes palakasin ang kanilang partido, aba biglang naglundagan sa PDP-LABAN mula sa lumulubog nilang barkong LP.

‘E ang napili pang interim president nila ngayon ay si Sen. Kiko “Noted” Pangilinan.

Natauhan siguro si VP Leni nang abisohan siya ni CabSec Jun Evasco na hindi na siya pinadadalo ng Pangulo sa Cabinet meeting.

Na-realize siguro ni VP Leni na ginagamit lang siyang ‘kalasag’ ng mga kasama niya sa LP.

Aba ‘e mantakin ninyong, walang ginawa ang kanilang partido kundi upakan si tatay Digs, gayong siya ang bise presidente ng bansa?!

E ‘nong sabihan siya ni Pangulong Digog na huwag nang dumalo sa Cabinet meeting, ano ang ginawa ng kanyang Partido?

Ipinagtanggol ba siya?

Nag-rally ba sa Mendiola para iprotesta ang pagbabawal sa kanyang dumalo sa Cabinet meeting?!

Waley!

Nganga lang ang LP dahil mismo sila ay nagulat din na puwede palang gawin iyon ni Tatay Digs kay VP Leni.

‘Yan na nga ba ang sinasabi natin, puro kasi pamomolitika agad. Hindi pa nagpapakita ng pruweba na magaling silang magtrabaho ‘e puro pamomolitika na.

E anim na buwan pa lang nakauupo ang administrasyon ni Pangulong Duterte at nasa proseso pa ng pag-aayos ng kanyang mga Gabinete ‘e puro upak na ang ginagawa ng LP?!

Puwede ba, trabaho muna bago ambisyon!

KABAYAN PARTY-LIST
KANYA-KANYANG
LAGLAGAN NA

 

Dahil kay Sen. Leila De Lima, naglalaglagan ngayon ang mga kinatawan ng Kabayan Party-list sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ipinatatanggal kasi ni Kabayan party-list 2nd nominee, Rep. Ron Salo ang kanilang 1st nominee na si Rep. Harry Roque.

‘Yan ay matapos daw kakitaan ng tila pambabastos sa kababaihan ang mga linya ng pagtatanong ni Rep. Roque kay Sen. Leila noong pagdinig sa Senado.

Ayon kay Rep. Salo, marami umanong nag-text sa kanila sa masyadong “vulgar at sexist” na estilo ng pagtatanong ni Rep. Roque.

Ayon kay Salo, nagdesisyon na raw ang Board  ng Kabayan party-list, para matanggal bilang 1st nominee si Roque.

Agad-agad tanggal pagka-congressman!?

Pero ayon naman kay Roque, ginagamit ni Salo ang kanilang party-list para sa kanyang kapakanan.

Nasa panic mode daw ngayon si Salo dahil nahaharap sa kasong kriminal matapos mabisto na may papel pala siya sa kontrobersiyal na P3.8 bilyon license plate deal sa ilalim ng Aquino administration.

Si Salo ay corporate secretary ng plate supplier na Power Plates Development Concepts, Inc. and J. Knieriem B.V. Goes (PPI-JKG).

Ayon kay Roque, “If there is anyone who should be investigated by Kabayan and booted out of the party-list, it should be Rep. Salo himself who is already facing charges in court for estafa through falsification of documents.”

O ayan, nagbabakbakan na ba sila-sila?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Paninindigan ni Chiz sa  impeachment vs VP Sara tama, batas dapat masunod

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA GITNA ng matinding tensiyon at ingay ng politika noong kasagsagan …

Sipat Mat Vicencio

Mr. President, bakit hindi ‘urgent’ ang anti-political dynasty bill?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pagdedeklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …