Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Rizal Memorial Sports Complex ibinenta na rin ni Erap Estrada?

HINDI pa nakababawi ang mga Manileño sa pagkakabenta ng Manila Zoo, heto at naibenta na rin pala ang Rizal Memorial Sports Complex, mas sikat ito sa tawag na Rizal Stadium.

Balak daw gawin condominium at mall ang Rizal Stadium.

Pareho pong nasa Adriatico St., Malate, Maynila ang dalawang ‘yan.

Sabi nga ng mga Manileño, mahusay ang kanilang kasalukuyang mayor…

Mahusay sumilip ng pagkakaperahan.

Hindi ba’t ganyan din ang nangyari sa Army & Navy Club sa kanto ng Roxas Blvd., at Katigbak Drive?!

Pati nga ang pagpapaputol sa century-old na mga puno ay nakakuha ng permit sa Department of Enviroment Natural Resources.

Kung hindi tayo nagkakamali, isang petition ang nangangalap ng lagda para tutulan ang tuluyang pagbebenta ng Rizal Memorial Sports Complex.

Suportahan po natin ang petisyon na ito dahil mayroong mahalagang bahagi sa kasaysayan ng ating bansa ang Rizal Stadium lalo na sports.

Sana ay sagipin ito ng mga sportsman at sports enthusiasts at suportahan nila ang petisyon sa change.org.

120516-rizal-sports-complex-money

Ilang pirma na lang ang kailangan para maisumite ang petisyon na “Save Rizal Memorial Sports Complex” kay Pangulong Duterte, humihiling na pigilan ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa pagbebenta sa Sports Complex at i-redevelop ang Harrison Plaza-RSMC area upang maging 60% open at green space.

Batay sa petisyon, ang Rizal Memorial Stadium, Coliseum at ang buong complex ay “historical and architectural gems” dahil idinisenyo ito sa estivo ng Art Deco at pinagdaanan ng iba’t ibang makasaysayang timpalak.

Nagtataka ang mga Manileño bakit hindi kumikibo ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa hayagang pagtampalasan ni Erap sa mga pamana ng kasaysayan sa Maynila sa nakalipas na mahigit tatlong taon.

Mas mabilis pang nagbitiw sa puwesto sina NHCP top officials Maria Serena Diokno at Francis Gealogo sa isyu ng paghimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani ngunit walang pagkilos sa mga kuwestiyonableng kontrata na pinasok ni Erap para gahasain ang cultural heritage ng lungsod.

Namimili ba ng isyung sasakyan ang NHCP?

Noong nakalipas na Pebrero, ipinatigil nito sa lokal na pamahalaan ng Bayambang, Pangasinan ang pagpapagiba sa Gabaldon building, sa Bayambang Central School dahil ito’y mahalagang cultural landmark.

Aba, bakit naaalarma ang NHCP sa kapalaran ng Gabaldon building pero walang pakialam sa pagpapagiba ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada sa PNB building sa Escolta at sa Army and Navy Club?

Bakit pinayagan ng NHCP na ipa-demolish ni Erap ang Army and Navy Club building gayong idineklara nila itong national historical landmark noong 1991?

Noong hindi pa nagre-resign si Diokno, hindi man lang natin narinig na kinukuwestiyon ni Diokno ang pagpapaupa ng administrasyon ni Erap sa Army and Navy Club sa Oceanville Hotel and Spa Corp., at ipina-sublease pa ito sa Vanderwood Management Corp., para maging casino?

Wattafak!?

Baka isang umaga, paggising natin ‘e, private property na ang buong Malate dahil naibenta na kung kani-kanino.

Arayku!

 RELASYON NINA DAYAN
AT SEN. DE LIMA ‘WAG NA
UNGKATIN SA SENATE PROBE

112316-de-lima-dayan-kerwin

Bukas, naka-iskedyul ang hearing sa  Senado.

Maghaharap sina Ronnie Dayan at bigtime drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa sa Senate probe na pangungunahan ng komite ni Senator Panfilo Lacson.

Sana naman ay matumbok na kung sino, kanino at saan galing ang ilegal na droga. ‘Yun lang naman ang kailangan malaman ng publiko. At hindi ang relasyon nina Dayan at De Lima.

Kailangan tututukan ang mga pahayag nina Kerwin at Dayan kaugnay sa pagtanggap ng drug money.

Mayroon daw dapat i-reconcile sa datos nina Kerwin at Ronnie incuding the famous sexcapade ‘este excapade sa Baguio City ni Madam Leila.

Sa mga Senador, sana huwag kayo ma-provoke at nawa’y maturol na kung sino ang source ng ilegal na droga.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *