Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kiko, ang sepulturero ng Senado

ISA si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa nagnanais na maalis sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) si Pangulong Ferdinand Marcos. Matapos na mailibing ang labi ni Marcos sa LNMB nitong nakaraang Biyernes iginigiit nitong si Kiko na mali ang naging kautusan ng Supreme Court.

Matigas ang bungo nitong si Kiko. Pilit na ikinakatuwirang hindi  bayani si Marcos sa kabila nang hindi naman kasali ang usaping ito sa naging desisyon ng SC. Naturingang abogado, pero lumalabas na pulpol mangatuwiran itong si Kiko.

Saan humuhugot ng galit itong si Kiko sa kabila nang hindi naman siya naging tunay na kasapi ng “kilusan” tulad nina Lean Alejandro at Malou Mangahas.  Oo, naging presidente siya ng UP Student Council, pero alam ng lahat na hindi naman lumutang para direktang lumaban sa diktaduryang Marcos.

Kaya nga, nakahihiya dahil feeling tunay na “leftist” itong si Kiko, samantala ayon mismo sa isang sikat na broadcaster, ‘palaboy’ lang ito sa UP campus. At dahil nga sa awa, kinuha ito ng nasabing broadcaster kaya naman nakapagtrabaho si Kiko sa ABS-CBN.

Pero kung talagang atat na atat itong si Kiko na maalis ang labi ni Marcos sa LNMB, bakit hindi siya kumuha ng pala at hukayin niya ang mga buto ni Apo; dalhin niya sa Ilocos at ibigay sa mga Ilocano.

Sa ganitong paraan tiyak na makokontento na itong si Kiko. Hahangaan siya sa kanyang gagawin at malamang na tawaging… Kiko, ang sepulturero ng Senado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …