Thursday , June 4 2026

1 patay, 1 sugatan sa tribike vs motorsiklo

CATANAUAN, Quezon – Patay ang isang ginang habang sugatan ang kanyang mister nang banggain ang sinasakyan nilang tribike ng isang motorsiklo kamaka-lawa sa Brgy. Ayos ng nasabing bayan.

Kinilala ang biktimang namatay na si Liam Manasan Ronquilla 32, habang sugatan ang asawa ni-yang si Jerry Ortega Ronquilla 36, kapwa ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ni Chief Insp. Jaytee G.Tiongco, dakong 7:30 pm habang tinatahak ng mag-asawa ang Brgy. Poblacion lulan ng tribike nang bigla silang tumbukin ng isang motorsiklo na minamaneho ni Rodolfo Marquez Mendoza, 23, nagresulta sa pagtilapon ng mga biktima.

Nakapiit sa lock-up jail ng Catanauan PNP ang suspek na kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide and physical injuries.

( RAFFY SARNATE )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raffy Sarnate

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …