Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duterte on Espinosa

HINDI na nagtaka si Presidente DU30 sa pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. Sapagkat ginamit daw ni Espinosa ang posisyon sa politika sa kaniyang drug trade. Si PresDU30 ay walang masabi at hindi na nag-iisip kung bakit ito nangyari sa dating Alkalde.

Para kay Digong, isang ‘salot’ si Espinosa.

Si Espinosa ay namatay matapos umanong magkaron ng enkuwentro sa loob ng kaniyang selda sa Baybay City Jail sa Leyte. Kasalakuyan ding nasa ilalim ng Restrictive Custody ang 19 na pulis na involved sa nangyaring insidente sa loob ng bilangguan.

KOKO PIMENTEL
SA PAGKAKAPANALO
NI DONALD TRUMP

Ayon kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III,  ang pagkapanalo ni Republican Candidate na si Donald Trump sa US Presidential Elections ay sign ng “clean state” sa relasyon ng Amerika at Filipinas.

Ito ay dahil bago na ang Presidente ng US at wala pang negative comment sa mga programa ng administrasyong Duterte.

Matatandaang ikinagalit ni PresDU30 ang mga pagpuna na ginawa ni outgoing President Barack Obama sa kanyang war on drugs. Dahil dito, sinabi ni PresDU30, “Time to say goodbye” sa U.S.

MARCOS SA LNMB

Pinaboran ng Supreme Court na ipalibing na ang dating Pangulo na si Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani.

Ito ay matapos ang halos tatlong buwan na pag-review sa isyu na ito. Nagdesisyon ang Supreme Court na ibasura na ang pitong (7) petisyon na tutol sa Marcos burial sa Heroes Cemetery.

PUTIN ON TRUMP

Nag-congratulate na si Russian President Vladimir Putin sa businessman na si Donald Trump, sa pagkakapanalo bilang bagong US President nitong Miyerkoles.

Umaasa si Putin na maibalik ang relasyon ng Russia at Amerika. Mula sa state of crisis, international issues at sa paghahanap ng epektibong paraan upang mapuksa ang problema sa global security.

Naniniwala din si Putin na kung may pagkakasunduan ang Moscow at Washington, ito ay para dapat sa ikakabuti ng dalawang bansa.

MGA KUWENTO NI MRS. OX
ni Marnie Stephanie Sinfuego

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …