Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, nagmaldita sa kapistahan ng Sorsogon

NA-BLIND item si Kim Domingo na pasaway umano sa isang show sa Sorsogon. Nalasing na raw sa isang basong tubig ang sexy star dahilnagka-attitude na. Feeling sikat na ba ito?

Nagulat kami dahil noong makasama namin ito sa Daet ay tahimik, mabaitat ma-pr. Pero nalungkot kami sa tsika na nagbago na siya. Ultimong opisyal ng tourism ay pinakitaan niya umano ng pagsusuplada, nakatungo lang na parang inaantok noong gustong magpakuha ng picture sa kanya.

Ang nakakaloka pa karay-karay din daw ni Kim ang non-showbiz boyfriend sa kanyang showbiz commitment. Hindi ba ito nasabihan ng GMA Artist at personal manager niya?

Naghahanap na rin daw ito ng security guard at naging mapili umano sa tutuluyan samantalang sosyal naman daw ‘yung lugar at inaasikaso sila ng staff.

Anyare kay Kim na nag-primadonna umanov sa kanyang out of town show? Nagrereklamo raw ito kung bakit kailangan pa niyang sumayaw sa kapistahan samantalang tradisyon ‘yun sa pista na makisama lang siya, kaunting kendeng, kaway, at kembot lang ang kailangan. Instead na dalawang kanta, isa na lang daw ang kinanta niya dahil over exposed na raw siya. Ganern?

How true na gumawa pa raw ito ng kuwento at  tinaranta ang coordinator ng show na kesyo may kumakatok daw sa room nila dahil kailangang mag-courtesy call kay congressman ng 10:30 p.m.. Sariling kuwento lang daw ‘yun ni Kim dahil wala naman at babae raw ang congresswoman sa lugar na ‘yun.

Nag-react din daw siya noong itabi siya sa isang politician sa stage kasama ang mga invited guest. Baka raw matsismis siya na nagpi-PR. Baka raw malink siya sa politician. Bakit kaya aware si Kim sa raket na  PR?

Hindi siguro alam ni Kim na may mga lugar talaga na pinauupo lahat ng VIP guests sa entablado at hindi nila alam ‘yung ‘over exposure’ na iniaangal niya.

Dapat kasi nilinaw niyang mabuti kung ano ang mga gagawin niya, ipinaliwanag din na mawawala ang momentum ‘pag pinaupo na siya sa stage kaya dapat lalabas na lang siya ‘pag number na niya.

Nadesmaya rin ang mga tao sa mismong venue dahil nakasimangot daw ito sa mga gustong magpa-picture sa kanya.

Bukas ang column na ito sa panig ni Kim at sa tsikang nagmaldita daw siya sa Sorsogon.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …