Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Marahas na dispersal sa US embassy dapat busisiin ng PNP hierarchy

MARAMI tayong nakikitang naglutangang isyu sa naganap na violent dispersal ng rally sa tapat ng US Embassy nitong Miyerkoles.

Una na, hindi karapat-dapat maging hepe ng Manila Police District-Public Safety Battalion (MPD-DPSB) ang isang opisyal ng pulis na hindi marunong magpatupad ng “maximum tolerance.”

Imbes mag-command ng maximum tolerance, inudyukan ni S/Supt. Marcelino Pedrozo ang mga pulis ng MPD Ermita Station na sugurin at buwagin ang rally ng mga katutubong minorya at iba pang militante.

Swak sa video si Pedrozo habang sinasabi niya ito… “Magkagulo na kung magkagulo, pulis tayo rito e. Puwede ba tayong patalo sa mga ‘yan? Anong mukhang ihaharap natin sa [US] embassy? Kaya i-disperse mo ‘yan.”

Hindi ganyan ang dapat na katangian ng isang police official na ginagawang  hepe ng MPD-DPSB.

Ikalawa, bakit kakarampot na pulis ang nagbabantay sa demonstrasyon?

Nasaan ang mga pulis ng MPD Ermita station at MPD DPSB?

‘Nakalubog’ ba ang mas maraming pulis kaya walang nai-deploy si Pedrozo?!

Ikatlo, maliwanag ang utos noon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na huwag pigilin ang mga gustong magprotesta. Sapagkat ‘yan ay freedom of expression. Pero bakit  kung kailan wala si PRRD ay saka nag-utos si Pedrozo na buwagin ang rally?! Ano ang intensiyon ni Pedrozo?

Kapisi ba siya ng mga ‘ninja cops’ na nais makaresbak sa pangulo?!

Tanong lang po iyan…

Ikaapat, ano ang napoprobetso ni Pedrozo sa US Embassy at bakit ‘nahihiya’ siya na may masabi ito kung hindi nila mabuwag ang nasabing rally?!

Tuta ba siya ng Kano?

Kay PRRD at sa sambayanang Filipino siya mahiya, hindi sa Kano!

Sonabagan!

102016-embassy-police-brutality

Kung hindi tayo nagkakamali, si Pedrozo ay muntik nang mabugbog ng mga vendor sa Divisoria gaya rin nang mabugbog sa Balic-Balic ng mga adik.

Nagtataka tayo kung bakit tila hindi kinatatakutan ng mga vendor na tinatawag niyang ilegal at mga adik na sabi niya’y kanyang hinuhuli at nagagawa siyang lusubin at bugbugin?!

Hindi ba mukhang awtoridad si Pedrozo?

Sa pinakahuling balita, sinibak na sina Pedrozo, Supt. Alberto Barot, station commander ng MPD Station 5, at ang driver ng back-to-back AUV na sumagasa sa mga raliyista na si PO3 Franklin Kho.

Ang iba pang sinibak ay sina Chief Insp. Dionelle Brannon, commander ng Pedro Gil police community precinct; Chief Insp. Elmer Oseo, ng Police Station 5; Chief Insp. Joebie Astucia, chief operations ng Police Station five; Chief Insp. Roberto Marinda, company commander; Chief Insp. Roberto Mangune, company commander ng US Embassy Detail, at si Senior Insp. Edgardo Orongan.

Pero sana, hindi matapos sa pagsibak kina Pedrozo ang insidenteng ito.

Sana’y maging mabilis ang pagsasampa ng kaso sa kanila.

Masusi rin sanang imbestigahan ang track record nila, lalo na ni Pedrozo.

Sa ganyang paraan, mayroong malilinis ang pangalan at mayroong mapapatawan ng parusa para hindi na tuluyang makabalik sa pulisya.

‘Yun lang!

102116-hataw-13

TRESE NA PO KAMI!

Taos-pusong nagpapasalamat ang inyong lingkod sa lahat ng walang sawang sumusuporta sa HATAW Diyaryo ng Bayan.

Umabot na po kami sa 13 taon at hangad namin ang mahaba pang paglilingkod sa inyo.

Natutuwa po kami dahil sa kahit anong panahon ay nariyan kayo at hindi kami iniiwan.

Dalawang taon na rin po ang isa pa naming pahayagan ang Diyaryo Pinoy.

Sa lahat ng advertisers, dealers, newsstands at vendors, maraming, maraming salamat po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *