Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Mga talangka at intrimitido sa gobyerno

AN idle mind is a devil’s workshop.

‘Yan siguro ang dahilan kung bakit maraming ‘political spectator’ sa ating bansa at maraming mahilig makisawsaw.

Bukod tanging sa Filipinas lang talaga maraming ‘magagaling’ na parang ‘feeling’ nila ay kabilang sila sa Gabinete ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Habang ‘yung ilang miyembro naman ng Gabinete at ilang opisyal ay over naman sa epal.

Kaya ang nalalagay tuloy sa kontrobersiya ‘e ang ating Pangulo.

Isa na nga riyan, ‘yung sinabing project na mega drug rehabilitation facility sa Nueva Ecija.

Mayroon kasing natapos na prison facility sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija na nagkakahalaga ng P50.2 milyon.

101816-drug-rehab-nueva-ecija

Naniniwala ang followers ni Pangulong Duterte na iyon ang sinasabing mega drug rehabilitation facility na project ng administrasyon.

Sabi naman ng followers ng PNoy administration, project pa iyon ng nakaraang administrasyon.

Pero sa totoo lang magkaiba talaga ‘yung P50.2-M prison facility sa mega drug rehab facility ni Pangulong Duterte.

Ang pareho lang dito, ‘yung lokasyon.

Pareho silang nasa loob ng Fort Magsaysay na matatagpuan sa mga teritoryo ng Laur, Palayan (Nueva Ecija); Bulacan at Aurora.

Ang Fort Magsaysay ang pinakalamaking military reservation sa bansa.

Kaya nga rito ang target ng gobyerno na ilipat ang National Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial, nitong July 2016 pa lang nila nilagdaan ng donor na si Huang Rolon ang deed of donation para sa mega drug rehab facility. Si Rolon ay isang Chinese philanthropist.

Kaya klaro na mayroon talagang project ang PNoy administration sa Fort Magsaysay habang doon din itatayo ang mega drug rehab facility ng Duterte administration.

Magkaiba nga lang ang pinanggalingan ng pondo. ‘Yung PNoy’s prison facility ‘e galing sa taxpayers’ money habang ‘yung mega drug  rehab facility ay donasyon mula sa isang Chinese philanthropist.

Let us give credit where the credit is due, para walang gulo.

Hindi pa ‘yan, hindi ba’t maging si DPWH Secretary Mark Villar ‘e nagpa-photo op pa sa NAIA Skyway gayong totoo naman na ito ay project pa rin ni PNoy.

Sa ganang atin, hindi naman dapat magkaroon ng demarcation na project ni PNoy o project ni Digong…

Ang pinag-uusapan dito, pera ng bayan para sa bayan ang  mga proyektong ‘yan.

Hindi ba puwedeng walang angkinan?

Dapat kung kapaki-pakinabang ang proyekto ituloy. Pero kung ginamit lang para sa “income-generating project” para sa sariling bulsa ng ilang opisyal ng pamahalaan, itigil at pag-isipan kung itutuloy ba o hindi ang proyekto habang tinatrabaho rin kung paano pananagutin ang mga dapat managot.

‘Yun lang po!

BASTOS AT ABUSADONG TAXI DRIVER
(ATTENTION: LTO CHAIR ED GALVANTE)

101816-taxi-lto-ed-galvante

BAKIT kaya mayroong mga taxi driver na parang sila ang magbabayad ng pasahe sa taxi?!

Kasi marunong pa sa pasahero na isinakay nila.

Gaya ng driver ng MARYGWYN TRANS na may plakang TXX 938 na ang operator ay isang Cristino P. Bontog.

Ang pasahero ay nagpapababa sa SM Manila. Aba ang gusto ba naman bumaba na sa Victoria St., ‘yung pasahero at mag-underpass na lang daw.

Sonabagan!!!

Hoy kamoteng taxi driver ng MARYGWYN Trans, kaya nga nag-taxi kasi nagmamadali. ‘E di kung hindi, sana nag-jeep na lang ‘yung pasahero.

Noong hinahanapan ng ID, ayaw ipakita ng kamote.

Napansin ng pasahero na walang ID ‘yung kamoteng driver kaya hinanap niya at noong ipinalalabas niya, ayaw ilabas.

Aba ‘e parang siya ang magbabayad ng pasahe kaya marunong pa sa pasahero.

Paging LTO!

PRES. DUTERTE MAY
MALASAKIT SA MEDIA

Dear Sir:

Nagpahayag si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administration Order ( Creating the Presidential Task Force on violations of the right to life, liberty and security of the members of the media) noong ika -11 ng Oktubre. Sa mga nagdaang kontrobersyal na pahayag ni Pangulong Duterte laban sa mga kumokondena sa kanyang War Against Drugs at pagsisi sa media nag-ugat ang kanyang maiinit na pahayag ay ipinakita pa rin niya na may malasakit sya sa mga mamamaha-yag. Mayroon mang hindi pagkakaunawaan lokal man o internasyonal na media ay kanya pa rin itong binibigyan ng halaga.

Ann Aquino
[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *