Wednesday , September 27 2023

Editorial: Pinatulan pa si Joma

ISANG malaking pagkakamali ang ginawang pakikipag-usap ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Communist Party of the Philippines (CPP) na pinamumunuan ng founder nitong si Jose Maria Sison.

Inakala ni Duterte na sa pagpasok sa peace talks sa CPP, makakamit ng pamahalaan ang sinasabing pangmatagalang kapayapaan.

Paniwala rin ni Duterte na tuluyang ibababa ng NPA ang kanilang armas, at sa kalaunan ang lahat ng miyembro nito ay magbabalik at magiging tunay na mamamayan ng Filipinas.

Ang paniniwalang ito ni Duterte ay mali at walang katotohanan. Ang pakikipag-usap ng CPP sa gobyerno ay isang uri ng taktika para makapagpalawak ng kasapian at makakuha ng maayos na konsesyon sa pamahalaang Duterte. Kung tutuusin, bangkarote na ang communist ideology sa Filipinas, at naghihingalo na rin ang mga samahan nito lalo na ang front organizations na halos wala nang mga miyembro.

Naumay na ang taongbayan sa luma at gasgas na teorya ng CPP. Kung titingnan ang mga rally na ginagawa ng front organizations ng CPP ay paulit-ulit na lang at walang kawawaan. Kundi imperyalismo, nariyan sisigaw naman ng kapitalismo. Basura kung titingnan ang ginagawang propaganda ng mga kaliwang grupo.

Sayang talaga ang panahong inilalaan ng pamahalaang Duterte sa pakikipag-usap sa CPP.  Aksaya lang ito ng pera na higit na mabuti kung ibibigay na lamang sa mahihirap na mamamayan. Hindi na dapat pinatulan pa ni Duterte si Joma. Hinayaan na lamang sanang magpatuloy si Joma sa paglaki ng tiyan at pagkanta sa mga karaoke sa Netherlands.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

 ‘Wag n’yong ‘paikutin’ si Digong

SIPATni Mat Vicencio SILIP NA SILIP ang diskarte ng mga tusong politikong gustong gamitin at …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Tsokolateng dollar bills

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NA-HULICAM sa umano’y paglunok ng dollar bills na nagmula …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD anti-drug campaign, nakaiskor ng P2.4-M ‘damo’

AKSYON AGADni Almar Danguilan DALAWANG linggo na rin ang nakalipas simula nang italagang Director ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pangyabang na bonus, habang dedma sa learning crisis

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG pag-aanunsiyo kamakailan ng bonus na inilabas ng Department …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-utol na meyor may dementia o amnesia?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata BILIB na sana ako sa kasipagan ng magkapatid na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *