GENERAL SANTOS CITY – Arestado ang 52-anyos sikad driver makaraan gahasain ang 15-anyos tomboy sa Amao Road, Brgy. Bula sa lungsod.
Kinilala ang suspek na si Rizalde Huwagpaw, may asawa at residente ng Zone 9 sa nasabing barangay. Aminado ang suspek na nagalaw niya ang biktima.
Sinasabing sumakay ang biktima sa sikad ng suspek kasama ang isa pang menor de edad na inihatid niya sa Zone 8.
Habang ang biktima ay nagpaiwan sa sasakyan hanggang sa nakarating sila sa Amao Road, sa damuhang bahagi, at doon nangyari ang panggagahasa.
Depensa ng suspek, tatlong taon na silang may relasyon ng biktima na isang sukarap o batang hamog.