Parak tigbak sa ratrat sa Bulacan (Protektor ng droga?)

ILANG araw makaraan makuhaan ng video habang gumagamit ng shabu, binaril at napatay ng riding-in-tandem ang isang pulis na sinasabing protektor ng droga sa Bulacan, kamakalawa.

Kinilala ang napatay na si SPO1 Dominador Mag-uyon, nakatalaga sa naturang lalawigan.

Ang biktima ay pinagbabaril ng mga suspek na lulan ng motorsiklo sa Brgy. Bancal, Meycauayan.

( MICKA BAUTISTA )