DALAWA ang nakuhang nominasyon ni Manilyn Reynes sa darating na 30th PMPC Star Awards For TV na gaganapin sa Novotel sa Araneta Center, Cubao. Nominado siya for Drama Supporting Actress of the Year para sa defunct series na Destiny Rose na gumanap siya rito bilang nanay ng bidang si Ken Chan.
At nominado rin siya bilang Comedy Actress of the Year para naman sa sitcom na Pepito Manaloto na gumanap siya rito bilang asawa ni Michael V. O ‘di ba, bongga si Mane?
In fairness, mahusay talaga si Mane sa DR. Ang dami niyang eksena roon na lutang na lutang ang pag-arte niya, na nadala kaming members ng PMPC kaya nagging nominado siya for Drama Supporting Actress of the Year.
At sa Pepito Manaloto, hindi rin siya nagpakabog kay Michael V sa pagpapatawa. Lutang na lutang din dito ang pagiging komedyana niya, kaya pasok nga rin siya bilang isa sa mga nominado for Comedy Actress of the Year.
Versatile actress talaga itong si Mane. Mapa-drama at comedy ay mahusay siya. Kaya naman proud na proud sa kanya ang mister niyang si Aljon Jimenez na tumatayo ring personal manager niya.
MA at PA – Rommel Placente