Monday , May 12 2025

Negosyante sinaksak ng ex-mister ng live-in

KRITIKAL ang kalagayan sa  pagamutan ng isang negosyante makaraan saksakin ng dating mister ng kanyang kinakasama sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Ginagamot sa Valenzuela City Medical Center (VMC) ang biktimang si Severo Luzon, 34, scrap buyer ng 25 Doña Juana St., Brgy. Potrero ng lungsod.

Habang kinilala ni Malabon Police chief, Insp. Lucio Simangan Jr. ang suspek na si Eddie Legal, 50, ng 40 K.A. Pablo, Brgy. Kaunlaran, Valenzuela City.

Sa imbestigasyon nina PO2 Roldan Angeles at PO2 Aaron Blanco, dakong 5:00 pm, kinompronta si Luzon ni Legal kaugnay kay Catherine Legal na dating misis ng suspek at kasalukuyang kinakasama ng biktima.

Humantong ito sa mainitang pagtatalo hanggang pagsasaksakin ng suspek ang biktima at pagkaraan ay tumakas ngunit naaresto ng mga kapitbahay.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *