BACOLOD CITY – Nakompiska ng mga tauhan ng Optical Media Board (OMB) ang 100 kahon ng piniratang DVDs sa loob ng cellphone and computer supplies store sa nabanggit na lungsod nitong Linggo.
Ang mga kahon ay nakaimbak sa ikaapat na palapag ng store building na pag-aari ni Gilsie Bacalso Tecson. Natagpuan din doon ang ilang DVD burners.
Sinabi ni OMB chairman Anselmo Adriano, ang DVDs ay maaaring direktang binili sa China at ibinebenta sa Filipinas, partikular sa mga lalawigan ng Iloilo, Roxas, Kalibo at iba pang bahagi ng Wester Visayas.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com