SIYA baa ng nagwagi?! Sa pag-alala sa kaarawan ng yumaong Master Showman na si Kuya Germs (German Moreno) noong Oktubre 4 sa kanyang ika-83 na sana, isa sa mga dumalo ay ang divang si Dulce.
Na naging sentro ng mga balita nang maglakas-loob na maglabas ng saloobin sa kontrobersiyal na si Secretary Leila Delima.
Sa kanyang ibinahaging kuwento, wala naman daw pinagsisisihan si Dulce sa paglalahad ng nangyari sa kanyang asawang si Bernard nang i-terminate ito sa kanyang trabaho sa nasabing Secretary sa mga posisyong hinawakan niya.
Bilang Kristiyanong siya ang nag-administer para yakapin ito ng Secretary, may obligasyon din daw si Dulce na siyang naglapit sa Panginoon sa kontrobersiyal na figure ngayon.
Ang tanong ko nga kay Dulce ay kung ano ba ang magiging reaksiyon niya kung maka-face-to-face si De Lima from out of the blue.
“Hindi ako galit sa kanya. Yayakapin ko siya. Si Bernard is the one who protects me and the family.”
Paano niya hinaharap ang mga basher at hindi naintindihan ang ginawa niya?
“Hindi ka rin makakalaya kung hindi ka totoo. Mahirap sa akin mailabas ‘yun but in fairness to my husband, he remained silent for a long time. Ikaw bilang pamilya nagsa-suffer ka rin. Na kahit anong katok at pakiusap mo na bigyan ka ng rason bakit hindi kami binibigyan ng sagot. Bilang asawa nakasuporta lang ako.
“In fairness to my husband natanggal siya sa trabaho after ng lahat na ginawa niya. Alam na natin na maraming mali riyan na mga kalokohan. Kaya ayaw na ayaw ko magtrabaho sa ganyan. Sabi ko sa kanya noon, ano ka? Hero-herohan? Sabi ko marami pa akong matatanggap na trabaho at marami pa kaming matutulungang mga kababayan natin.
“Ang epekto kay Bernard masakit! Kasi nagtrabaho siya ng maayos. Sinuong mo ang very risky na trabaho. Ang dami niyang isinakripisyo. Magkano lang naman ang suweldo ng asawa ko but with God’s grace marami pa naman kumukuha sa akin.”
Dulce became very emotional dahil katotohanan din naman daw ang naibulalas niya. Pero hindi niya iniisip na sa maliit na naibahagi niya eh, gawin pa silang witness na mag-asawa. Sinabi lang daw niya ang nangyari sa kanila ng asawa niya.
Na dumating na nga raw noon sa punto na pinag-aawayan na nila. At mga anak na nila ang umaayos sa kanila. Pero sa huli, ang kapit ng kanilang pananalig pa rin sa Panginoon ang nananaig.
“I just want the truth to prevail. Sa naging pagkakilala namin sa kanya. Kumakain pa naman kami. I have forgiven her. At sabi nga unless proven guilty hindi pa rin natin masasabi…Ano ba ang mas mahalaga? Facts or truth? Maraming truths na ‘di rin naman talaga nabibigyan ng kahalagahan…”
At hindi nga raw natutulog ang Diyos! Walang tulugan sabi nga ng Master Showman who’s a very good friend of Dulce!
HARDTALK – Pilar Mateo