NAGA CITY – Agad binawian ng buhay ang isang lalaki habang sugatan ang 9-anyos bata sa naganap na barilan sa loob ng peryahan sa San Antonio, Quezon kamakalawa.
Kinilala ang biktimang namatay si Ericson Andal, 35-anyos.
Ayon sa ulat, nagtungo sa peryahan sa Brgy. Pury sa nasabing bayan ang biktima kasama ang suspek na si Jimmy Mercado
Ngunit nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang dalawa na nagresulta sa pamamaril ng suspek na ikinamatay ng biktima.
Habang tinamaan ng ligaw na bala ang batang lalaki na agad isinugod sa pagamutan.