At habang papalabas na siya ng 9501 Restaurant ay sinimplehan naming tanungin kung kailan uumpisahan ang pelikulang Darna na siya pa rin ang gaganap.
“Hindi pa ako makasasagot, ‘te Reggs kasi may assessment pa, so ipag-pray mo na lang na matapos ‘yun. So far okay naman ang likod ko, maayos naman,” kaswal na sagot ng dalaga.
Kailangan pa kasing ma-check ulit si Angel ng kanyang doktor para malaman kung papayagan na siyang gumawa ng Darna na kailangan ng heavy scenes. Ang bilin kasi sa aktres ay magpalipas muna ng dalawang taon bago siya sumabak sa pelikulang may aksiyon.
Mapapanood na ang The Third Party sa Oktubre 12 mula sa direksiyon niJason Paul Laxamana at produced naman ng Star Cinema.
FACT SHEET – Reggee Bonoan