Thursday , June 4 2026

Joseph Marco, nagparetoke raw ng ilong at nagpa-ayos ng panga

NAGPA-RETOKE nga ba ng ilong si Joseph Marco kaya mas lalong tumangos ito at kitang-kita sa pelikulang My Rebound Girl?

Habang nanonood kasi kami sa ginanap na premiere night ng pelikula ng Regal Entertainment ay kapansin-pansin ang ilong ng aktor na masyadong matangos at naging perpekto kasi nga nagpa-nose job daw si Joseph.

Kaya sa cast party ay tinanong si Joseph tungkol dito at nagulat ang aktor, “ay hindi, ah.”

Singit ni Alex Gonzaga, “walang time ‘yan (magpagawa ng ilong), busy.”

Um-oo naman si Joseph, “wala akong time at saka dire-diretso ako sa trabaho ko, may nagsabi nga rin, nagpa-ayos ako ng panga kasi prominent din itong buto (sabay pakita).”

Oo nga Ateng Maricris, naging prominent din ang chiseled jawline ni Joseph.

Kuwento ng actor, pumayat siya kaya lumabas ang buto niya at mas lalong tumangos ang ilong niya na puwede rin naman dahil noong huling kita namin sa kanya ay wala pa kaming nakitang mga ugat sa kamay at braso niya, pero noong gabi ay talagang nagagalit na ang mga ugat nito kaya sabi namin ay parang kamay ng matanda.

“Ganito kasi nangyayari kapag nagda-diet ako, maglalabasan ang mga ugat ko, wala akong choice kundi magsakripisyo kasi kailangan ko para sa next project ko (diet),” paliwanag ni Joseph.

Sabi pa namin na hindi bagay kasi nagmukhang matanda ang kamay niya at braso at ngumiti lang ang aktor.

Tungkol naman sa movie, inamin ni Joseph na sobrang nahihiya siya habang pinanonood nila ni Alex ang mga eksena nila baka raw kasi hindi maganda ang feedback, pero noong narinig niya ang hiyawan ng tao ay nabunutan sila pareho ng tinik.

“Nakakataba ng puso, siyempre hindi mo maiiwasang hindi kabahan kasi una tahimik lahat, hindi mo alam kung gusto o hindi kasi walang nagre-react, ‘yun pala seryoso silang nanonood at hayun, okay naman daw, may kilig,” nakangiting sabi ng aktor.

Sa tanong namin kung hanggang saan na umabot ang closeness nila ni Alex dahil base sa nakita namin ay may mga eye-to-eye contact sila bago sumagot sa mga tanong ng entertainment press.

At napansin din naming kinurot ni Alex ang kamay ni Joseph sa tanong namin kung sila ang magka-date sa darating na Star Magic Ball sa Oktubre 25 o 28.

Noong una ay sabi ni Joseph na hindi si Alex ang kasama niya kasi may ibang lakad ang dalaga, tapos noong kinurot na siya ay biglang hindi raw sila dadalo.

Ano ‘yun?  Biglang nabago ang plano?

May kilig sina Alex at Joseph kaya cute sila sa pelikula na ipinalabas na noong Miyerkoles.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …