Thursday , June 4 2026

Angel, na-OP sa ka-sweet-an nina Sam at Zanjoe

NAKATSIKAHAN pa namin si Angel Locsin pagkatapos ng Q and A sa presscon ng The Third Party at inamin niyang sobrang enjoy siya sa shooting ng pelikula dahil napakagaan at bilib siya sa dalawang aktor na kasama niya, sina Sam Milby at Zanjoe Marudo.

Sabi ng aktres, ”bago for me, para akong grade one sa mga eksena ko, pero there’s a part of it na, ‘uy very refreshing’. Ang sarap na uuwi kang nakatawa, hindi mo kailangang umuwi na magang-maga ang mata mo (kaiiyak) kasi mabigat ang role at gusto ko kasi ganito rin naman ako sa totoong buhay at maski na may problema, hindi ko naman talaga ipinakikita na kapag may pumatak na luha, pupunasan mo naman talaga, mas real, mas totoo.”

Bagamat nakagawa na si Angel ng pelikulang love story, itong Third Partyang kakaiba sa lahat dahil nga gay-rom-com, ”sanay kasi ako sa intense, ‘di ba? Kaya nakakapanibago talaga.”

Bukod sa magaan na ay ang bilis pa raw nilang natapos mag-shoot, ”kasi end of July ito inumpisahan, so, ito yata ang pinakamabilis kong nagawa sa Star Cinema.”

Sa ipinakitang full trailer ng The Third Party ay sobrang tawang-tawa ang entertainment press dahil ang cute raw nina Zanjoe at Sam habang sweet-sweetan, samantalang si Angel ay nakatingin lang sa background.

“Actually, nao-OP (out of place) na nga po ako sa kanila, ganoon sila kagaling dahil ‘yung chemistry nila, kakaiba. Hindi nila (Sam at Zanjoe) pinag-uusapan (gagawing eksena), they’re very professional po kasi at ‘yung respetong ibinibigay nila roon sa characters. Oozing with sex appeal talaga silang (Sam at Zanjoe) dalawa talaga, medyo suwerte talaga ako sa set, eh,” masayang sabi ng aktres.

Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Angel kung sakaling mangyari sa buhay niya ang kuwento ng The Third Party na ang boyfriend niya ay isa palang gay?

“Hindi ko pa masagot ngayon kasi hindi ko pa siya ma-imagine, kagaya nga po ng sinabi ni Beauty (Gonzales), sana hindi naman po ito mangyari.

“Mahirap magsalita ng tapos, kasi halos lahat tayo, medyo tanga sa pag-ibig, ‘di ba. Kaya siguro kapag nangyari ‘yun, at saka na lang ako makakapagsalita.

“Ang pag-ibig kasi walang pinipili, walang gender, walang size, walang past, walang anything. Basta ‘pag mahal mo ang tao (mahal ko), ‘yun ang sa akin,” mahaba niyang sagot.

Dagdag pa, ”sana po, hindi mangyari sa amin. Napakalawak kasi ng love for me, love kasi walang boundaries, walang limitations, walang anything, so ‘pag tanggap mo ‘yung tao, kahit ano pa man ang past niya, kung anuman ‘yung baho sa kanya dapat tanggapin mo kasi depende ‘yun sa ‘yo kung kaya mong mabuhay na kasama siya.  Depende rin sa ‘yo kung kaya mong mabuhay ng wala siya o kaya mong tiisin kung ano siya kasi mahal mo siya,” magandang pahayag ng aktres.

Sa tanong kay Angel kung may naging third party kaya nagkahiwalay sila ng nakaraang karelasyon niya.

“Oo, mayroon. Pero kung kaninuman, sa akin na lang ‘yun,” pakiusap ng dalaga.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …