Tuesday , February 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miriam Defensor Santiago pumanaw sa edad na 71

KAHAPON ng 8:52 am pumanaw si former Senator Miriam Defensor Santiago, tinaguriang “IRON LADY OF ASIA.”

Ayon sa kaniyang asawa na si Atty. Jun Santiago, pumanaw si Miriam habang naka-confine sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City. Dagdag niya, “She died peacefully in her sleep this morning.”

Taon 2014 nang malaman na ang dating senadora ay may stage 4 lung cancer.

Maraming nagmamahal sa senadora, sa social media may nagsabi pa nga, “She’s the President we never had.”

R.I.P Senator!

ILEGAL ANG PAGPAPAKITA
NG SEX VIDEO

Ayon sa Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, kung hindi aaminin ni De Lima ang kaniyang relasyon sa dating driver na si Ronnie Dayan or kahit sa sinong lalaki ay may tatlong sex video siya na ipapakita sa House Justice Committee.

Agad umalma si Sen. De lima, dahil ito raw ay labag sa batas, at kung meron mang mga ganitong video ay hindi dapat ipakita sa publiko.

Nagmakaawa na rin si De Lima sa kaniyang mga kritiko na tigilan na ang mga personal na atake sa kaniya. Para sa kaniya ay masyado nang foul.

JUNJUN BINAY HINDI
MAKIKIPAG-AYOS
KAY TRILLANES

Noong Tuesday sa harapan ng Makati Regional Trial Court, nag-plead ng not guilty si Trillanes habang si Junjun Binay ay tumangging pumayag sa kahit anong settlement nang tanungin ng judge kung bukas ba ang kanilang panig na ma-settle na lang ang kaso.

Dahil dito, magkakaroon pa ng susunod na hearing sa November at December. Ayon sa lawyer ni Binay, gusto ng kaniyang kliyente na ma-convict si Trillanes sa kasong libel.

Sinampahan ng libel case ni Binay si Trillanes matapos sabihin na ang pamilyang Binay ay nagbayad ng milyon-milyon upang paboran sila ng Court of Appeals noon. Para kay Junjun, sinira ni Trillanes ang kaniyang reputasyon pati na rin ng kaniyang pamilya sa daming nabitawan na akusasyon ni Trillanes sa publiko, laban sa kanilang pamilya.

GURO, HULI SA DRUG
BUST OPERATION

Nakuhaan ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu at P1,000 marked money ang isang gurong lalaki na nagngangalang Melmore Nagtalon.

Ang guro ay nagtutulak ng droga sa Diffun, Quirino. Sa loob mismo ng Bannawag Sur Integrated School na kanyang pinagtuturuan. Doon ikinasa ang buy-bust operation.

Noon pa pala ay inimbitahan na si Nagtalon sa oplan tokhang pero kanyang tinanggihan.

Matagal nang itinuring na high value target ang suspek, ngunit ayon sa punong guro ng nasabing paaralan, wala silang napansin na kakaiba sa suspek kaya hindi nila inasahan ang nangyari.

MGA KUWENTO NI MRS. OX – Marnie Stephanie Sinfuego

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

Firing Line Robert Roque

Isang makatarungang trapik para sa MRT-7

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SIMULA 1 Pebrero, dapat nang maghanda ang mga motorista …

PADAYON logo ni Teddy Brul

“Minahal kita” – Si Kristo sa panig ng Anakpawis (Dilexi Te – Book of Revelation 3:9)

PADAYONni Teddy Brul SA PAGLULUNSAD ng Labor Consultative Assembly na inisyatiba ni Bishop Gerardo “Gerry” …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Paninindigan ni Chiz sa  impeachment vs VP Sara tama, batas dapat masunod

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA GITNA ng matinding tensiyon at ingay ng politika noong kasagsagan …

Sipat Mat Vicencio

Mr. President, bakit hindi ‘urgent’ ang anti-political dynasty bill?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pagdedeklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …